Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gladys, napahagulgol sa mensahe ng kapatid

#BASHERSPasok!  Hashtag na ‘yan lagi ni Gladys Guevarra sa kanyang posts in Facebook.

Nakausap ko ang singer-aktres na si Gladys isang umaga at nagsusumingasing ito sa galit.

Sa sobrang pagprotekta sa sarili at malaking takot sa Covid-19, sasabihin nga na OA na siya sa mga bagay na isinusuot niya lalo at lalabas siya kung kailangan.

“Wala naman akong pakialam talaga sa bashers. Paki ba nila sa akin eh, sarili ko at mga mahal ko sa buhay ang pinoprotektahan ko. Ang nasaktan ako, na ‘di ko inasahan eh, nang kamag-anak ko pa ang bonggang nam-bash sa akin. Kaya inilalabas ko lang ang pagka-bwisit ko!”

Never maman talaga lumabas ng bahay niya si Gladys. Pero handa ang kanyang PPEs kung kailangan . Na siya ngang nangyari nang may inasikaso siya sa city hall na sa sasakyan din lang naman siya namalagi.

“Talagang OA na kung OA. Mula ulo hanggang paa ako covered, doble-doble pa. Hindi mo masasabi ‘di ba? O, tingnan mo ‘yang mga nagkukumpol-kumpol na ‘yan. Nasaan ang social distancing. May kumakain pa. Eh, sa talsikan lang ng mga laway nila, good luck. Ang sa akin lang, huwag kayong ano. Pera ko ang ginagamit ko to get these PPEs. Kasi, kailangan ko.”

Pero napawi naman ang sama ng loob ni Gladys nang magpadala ng mensahe ng suporta ang kanyang kapatid.

“Kaisa isang message ng kapatid ko na nagpa hagulgol talaga sa akin ng bongga. Matagal na kami di nag heart to heart talk ng kapatid ko. At grabe sa pagka mangha sa mga pinagdaanan ko.  Kaiyak noh? . . . Akala nyo lang matapang ako, akala nyo lang maldita ako, akala nyo lang mayabang ako. Facade lang lahat yun bes. Hehe! Kaya kung mga salita akong ikinabibigla nyo, ginawa nalang ng panahon sa akin yun. Sabi nga ni Bea Alonzo sa movie nilang “4 Sisters and a Wedding” . . . “Siguro pinili kong maging ganun ako, kinailangan ko maging ganun ako. Dahil ang hirap mag isa, malungkot mag isa. Pero d dahil matigas ako, wala nakong pakiramdam. Nasasaktan din ako.” Kaya thank you, may kapatid akong nandyan lang para sa akin, kahit anu pang mangyari sa akin. I love you Kapatid ko Gilbert Gaylord Guevarra ️ Moneth Guevarra  

“P.S. Mahal ko rin yung isang kapatid ko, si Paul Andres 🥰”

May opinyon din siya sa nagsimula ng kaguluhan sa Amerika.

“Sa amerika, ang tao umaatake ng welga, nangwawasak ng mall, binabasag mga kotse, humaharang sa freeway, nagnanakaw ng mga nananahimik na paninda. Ng isang bulto sila, dahil ang katwiran, may kalahi nilang inapi. Ang kanila, tigilan ang RACISM. Wala na daw dapat pinipiling kulay, dapat pantay pantay. 

 

“Dito sa Pilipinas, sa SOCIAL MEDIA umaatake ang tao. Konting pagkakamali o may nasabi lang na di ayon sa opinyon ng isa, inatake na ng BOBO, MAG RESEARCH KA, ARAL ARAL DIN, WALANG KUWENTA, ANG TANGA LANG, hanggang sa PINANALANGIN NA MAGKASAKIT BUONG PAMILYA. Nakita nyo ugali ng Pinoy? 

 

“Magkakalahi  pa tayo nyan ha? At magkakaiba ang ipinaglalaban. Wala ng tama sa atin eh. I’m speaking naman in behalf of my experience bilang minsan din ako nagsalita tungkol sa MASS TESTING. Pero ang akin lang, para lang sana hindi na ikadagdag sa gastos ng Gobyerno. Na sana ang pagka gastusan nalang nila yung mismong pampagaling, yung mismong CURE, yung mismong GAMOT na kikitil sa Virus na to. And those are the same EXACT WORDS na ibinato sa akin. Kakatakot na. Kuda per kuda nalang naman tayo sa SOCIAL MEDIA eh, pero pansinin nyo, anuman pagdesisiyunan ng gobyerno, wala naman kayo magagawa eh. Trust me, KUKUDA ka nalang talaga dyan. Kase kung yung gusto mo ang gusto mo mangyari? Punta ka sa Malacañang, paalisin mo si Pangulong DUTERTE at sabihin mo … “ALIS KA NA DYAN, AKO NA!” . . . Diba?”

May point naman siya, eh!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …