Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dokyu ni Atom, pinag-usapan

HINANGAAN ang pagkakagawa ng The Atom Araullo Specials episode noong Linggo, ang Covid-19: Nang Tumigil ang Mundo.

Naging top trending topic pa nga sa Twitter ang #NangTumigilAngMundo. Pinuri ng netizens ang dokyu ni Atom Araullo tungkol sa iba’t ibang mukha ng Covid-19 at kung paano nito naaapektuhan nang husto ang buhay ng mga Pinoy lalo na ang mga mahihirap at frontliners.

Nailahad nang maayos ng Kapuso journalist ang “mukha” ng pandemic na hanggang ngayon ay kinakaharap pa rin ng buong mundo. Hindi rin napigilan ng viewers na madala ng kanilang emosyon dahil na rin sa napanood. Talaga ngang “eye-opener” ang episode na ito ng The Atom Araullo Specials. 

Balita namin, simula pa lang ng pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila ay sinimulan na ng programa ang paggawa ng nasabing episode. Nakabibilib na nagawa nilang matapos ito at maipalabas nang ganito pa ang sitwasyon natin. Hindi ito biro lalo na’t batid nating lahat na napaka-delikado pa rin ngayon.

Kudos, Atom at The Atom Araullo Specials team!

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …