Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, sasabak sa vlogging

MASAYA at relatable vlogs ang hatid ng cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na sina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, at Benedict Cua na swak para sa mga naka-quarantine at stuck at home pa rin na viewers ng Kapuso primetime soap.

Bago suspindehin ang taping ng mga programa bunsod ng Covid-19 pandemic, pinakatinutukan ng netizens ang naganap na alitan ng magkaibigang Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate). Ito ay matapos malaman ng huli na ang kaibigan pala niya ang napupusuan ni Cocoy (Migo).

Pinangunahan ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie ang series of vlogs sa kanyang apology vlog na pinamagatang My First Solo Vlog!! Sorry Vlog for my Sishie na napanood nitong Lunes sa official Facebook at YouTube accounts ng GMA Network at GMA Drama.

Hindi naman bago para sa Kapuso actress ang pagba-vlog lalo pa at mayroon itong sariling YouTube channel na may lagpas 700k subscribers.

Sa susunod na Lunes (June 8) ay mapapanood naman si Kate sa kanyang reaction vlog na My Reaction to my (snake) Friend Apology! Plus Tips on How to Spot that (snake) Friend.

Sa ikatlong episode (June 15) naman ay mapapanood ang real-life YouTuber na si Benedict sa vlog na BFF Love 101 na mapapaamin si Benny ng tunay na nararamdaman para sa kaibigan si Caitlyn; at sa pinakahuling vlog sa June 22, susubukan ni Migo bilang Cocoy na tuldukan ang relasyon nila ni Caitlyn at reresolbahin ang hidwaan ng magkaibigan sa vlog na How To Break a Woman’s Heart.

Gawing mas masaya ang pagpasok ng bagong buwan at tutukan ang nakaaaliw na vlogs na handog ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ngayong Hunyo tuwing Lunes, 8:00 p.m., sa YouTube at Facebook pages ng GMA Network at GMA Drama.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …