KINUMUSTA ko si Abby Viduya, sa panahon ng Covid-19.
Nasa Parañaque siya. Sa piling ng kasintahang si Konsehal (ng unang distrito ng Parañaque) Jomari Yllana at butihing ina nitong si Mommy Vee.
Naubos na nga yata nila ang mga pelikula sa Netflix. At nadagdagan na ang mga timbang nila dahil na rin sa masasarap na lutuin ni Mommy Vee.
“Mga staff lang ni Jom ang lumalabas. ‘Di lumalabas si Jom. I’m too scared for him to be exposed. Mahirap na ‘di ba.
“So he meets with them here in the house where he gives all the instructions especially for the ayuda to the different barangays. Tuloy lang ang trabaho niya.”
Kumusta naman ang kanyang mga anak na malayo ngayon sa kanya?
“My kids are good naman. Yes I get to talk to them I have 3 kids 2 girls and 1 boy (18, 9 and 5 years old). My eldest daughter is flying back here once it’s safe to fly. Kaya, I just wish, we keep on praying na mawala na si CoVid-19.
“Yes things won’t be normal anymore. Scary but it’s the new normal na. Hopefully, they find an anti-virus soon!”
Ayon naman kay Konsi Jom, “Kamakailan ay naghatid po tayo ng bigas sa ating mga punong barangay sa unang distrito ng ating lungsod bilang pandagdag po sa ipinamamahaging ayuda sa ating mga kababayan.
“Ngayon naman po ay tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi natin ng bigas bilang ayuda. Munting tulong po ito para sa mga kababayan nating higit na nangangailangan.
“Katuwang po natin ang ating mga kagawad at SK sa pamamahagi nito. Patuloy po ang serbisyong ibinibigay natin ngayong Covid-19.
“Ito po ang panahon kung saan kinakailangan po tayong lahat ay magtulungan anuman po ang kaya nating maipaabot sa ating kapwa. Dalangin ko po ang inyong kaligtasan.”
#WeHealAsOne #I♥️Parañaque
HARD TALK!
ni Pilar Mateo