Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelvin Miranda, nami-miss na ang muling pagsabak sa pag-arte

AMINADO ang guwapitong actor na si Kelvin Miranda na hinahanap ng katawan niya ang dating ginagawa, tulad ng pagsabak sa taping o shooting.

 

Kumusta na siya after almost three months na naka-quarantine? “Okay naman po, marami naman po puwedeng gawin sa loob ng bahay para maging productive tayo…like magluto, maglinis, magbasa, manood ng movies para may bagong matutunan, bonding sa fam, pero siyempre naghahatid sa akin sa pagka-boring minsan ay ‘yung gumising nang maaga, maghanda ng gagamitin ko para sa taping o shooting, bumiyahe… in short ‘yung work ko po.

 

“Nami-miss ko na talaga, sobra! Hindi kasi siya work para sa akin, kundi itinuturing ko siya as a craft, mga piyesa ng art na ginagawa ko, mahalaga ito sa akin at parang karugtong na rin siya ng buhay ko. Kasi, rito kami nabubuhay ng pamilya ko,” pahayag ni Kelvin.

 

Pinuri ang husay ni Kelvin sa pelikulang Dead Kids ni Direk Mikhail Red na naging first-ever Filipino film na ipinalabas sa Netflix. Kamakailan ay nanalo rin ng first Best Actor award si Kelvin sa Urduja Film Festival para sa pelikulang The Fate.

 

Ano ang reaction niya na marami nang Pinoy films ang naipapalabas sa Netflix? “Masaya, dahil nagbibigay aliw ito sa mga kababayan natin na sa iba’t ibang parte ng Asia, napapanood nila ang mga pelikulang obra ng mga Filipinong manggagawa ng pelikula at mga director,” saad ni Kelvin.

 

May naiisip ba siyang Pinoy films na sa palagay niya dapat maipalabas din sa Netflix? “Siguro ‘yung mga Philippine traditions o culture, para maipamulat sa mga taong nakalilimot kung saan talaga nagsimula ang kulturang Pinoy.”

 

Si Kelvin ay mapapanood very soon sa prime time soap operang First Yaya bilang partner ni Cassy Legaspi. Ang serye ay pagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, with Gabby Concepcion at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …