Thursday , May 8 2025

Janet Bordon remembers Pepsi Paloma

Nakausap ng isang entertainment writer si Janet Bordon by way of her Facebook messenger.

The actress could not believe that Pepsi Paloma has been dead for 35 years already.

She died May 31, 35 years ago.

Looking back, Pepsi delineated the role of Janet’s younger sister in the classic movie the Virgin People, wherein they both co-starred with Myrna Castillo and Ernie Garcia.

“Ganoon na ba si Pepsi katagal nawawala? Ang bilis nga ng panahon,” Janet asseverated.

Ang natatandaan lang daw niya kay Pepsi no’ng ginagawa nila ang Virgin People, palagi siyang nawawala when she was needed on the set. Makikita raw siya either na nag-iisa na malayo sa set o natutulog sa damuhan na walang tao.

Madalas raw ay bagong gising siya kapag nagte-take sila.

Hindi rin daw palakain. Kapag inaalok niya itong kumain, sasabihin raw nitong, “No, salamat.”

Ang nagustohan niya raw kay Pepsi ay mabait siyang bata.

Hindi rin daw siya maarte at hindi nagrereklamo kung ano ang ipagawa sa kanya ni Direk Celso.

Never raw niyang nakitang nag-retouch ng make-up at walang kasamang alalay. Parang lagi raw nag-iisa.

Hindi rin daw sila nagkaroon ng pagkakataong makapagkuwentohang masyado dahil masyado siyang tahimik.

Pakiramdam raw niya ay merong dinadalang problema na ayaw niyang i-share kahit kanino.

Nagbabakasyon raw siya sa States nang malaman niyang namatay na si Pepsi.

“Parang feeling ko,” Janet looked back, “dahil sa problema niya kaya siya namatay, hindi dahil sa sakit o ano pa man.”

Nalungkot raw siya dahil hindi man lang niya natanong si Pepsi kung ano ang dinadalang problema.

Kung hindi raw namatay nang maaga, malaki ang potential nitong maging isang magaling na artista.

Anyhow, for those who are not aware of Janet Bordon’s existence, isa siya sa mga aktres na may pinakamagandang mukha sa Philippine showbiz noong late  ‘70s hanggang early ‘80s.

Up to now, eskalera pa rin ang kanyang ganda at hubog ng katawan.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

RATED Rni Rommel Gonzales MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon ipinagtanggol si Kiko — Maayos siyang tao at may hanapbuhay bago kami ikinasal

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGPATULOY ng  mag-inang Roselle at  Atty. Keith Monteverde ang pagtulong sa tumatakbong kandidato na sinimulan …

Blind Item, man woman silhouette

Aktres sa gabi lang pwede ikampanya si dyowang tumatakbo 

I-FLEXni Jun Nardo SA gabi lang pala kung tumulong ang isang female sa asawa niyang kumakampanya rin …

Bibeth Orteza Ricky Davao Coney Reyes

Bibeth, Coney inalala pagbibigay ng rose ni Ricky na inutang pa sa tindero

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST sa Facebook account ang aktres at direktor na si Bibeth Orteza ng black …

Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *