Saturday , May 10 2025

Ice, sobrang nalungkot sa pagkawala ni Doggy, the Pig

PERS TAYM ‘yun eh.

Na sa celebrities natin, makita natin na ang alaga o pet ng mang-aawit na si Ice Seguerra ay isang baboy.

Pero may masaklap na pinagdaanan si Ice at kanyang pamilya sa tuluyang pagkawala ni Doggy, the Pig.

Ang kuwento ni Ice, na marami sa atin ang makakre-relate lalo na ang mga may alaga o pets na kapiling.

“Kaninang 5pm, kausap ko sa telepono si mama. Tinuruan ko siya paano gamitin yung hairclipper para kay Erpats. Of course, kinumusta ko si Daddy ko. 

“Daddy has stage 4 cancer and isa sa challenges talaga for him ang pagkain. Pero lately. Malakas na siya kumain. He’s gaining weight. Nakaubos daw ng isang buong alimango. Ang saya namin na nakakakain na siya nang maayos. 

“Tapos, umakyat si Jenny para sabihin sa amin na hindi na humihinga si Doggy. Pagbaba ko, wala na nga siya.

“Hindi ko alam kung kasabihang Pinoy lang ‘yun but they always say na ‘yung pets natin ang sumasalo sa anything bad sa atin or sa family natin. It happened before when my dog, Chiqui, died noong saktong na- ospital si erpats ko dahil inatake. Now, si Doggy.

“I don’t believe in coincidences. Things happen for a reason. 

“Totoo man or hindi ‘yung sabi ng matatanda about our pets, bantay talaga natin sila. Sa mga bagay na nakikita or forces and energies that no one can see. They’re truly our angels on earth. 

“Our dearest Doggy the Pig, thank you. Kasing ikli man ng mga biyas mo ang panahon mo rito sa amin, I hope you know kung gaano mo kami pinasaya. Enjoy heaven! Makakatakbo ka na roon!!! Masusuwag mo na lahat nang trip mong suwagin. May kakamot na sa iyo 24/7. 

“We will always love you and you will forever be in our hearts .”

Dagdag pa ni Ice, “12 years ago noong una kitang makita. Dalawa kayo noon eh. Sabi ko, kung sino ang unang hahalik sa akin, siya ang kukunin ko. ‘Pagbigay sa akin niyong isa, wala nakaupo lang. Tapos noong inabot ka na sa akin, pinupog mo na ako ng halik. Simula noon, walang araw o gabi na hindi mo ako pinasaya. Wala kang kailangan gawin, basta alam kong anjan ka lang. ‘Pag malungkot ako, lagi mo ako nilalapitan at kini-kiss. Para bang naiintindihan mo lahat ng pinagdaraanan ko.”

Pero wala na siya.

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *