Monday , December 23 2024

Nganga sa bus girl, tampok sa Magpakailanman

LUMAKI si Franz sa isang magulong pamilya. Hindi sila magkakasundong magkakapatid at ang tatay nilang si Mang Iko ang nagbubuklod sa kanila. Kaya nang mamatay ito noong 1st year high school pa lang siya, ay nagkaroon na silang magkakapatid ng sari-sariling buhay kahit magkakasama sila sa iisang bahay. Ang nanay naman nilang si Malou ay nakatuon sa pagraket sa pagbebenta ng iba’t ibang produkto na inire-resell nito.

Noong kabataan ay mahiyain si Franz. Alam niya sa sarili na hindi siya kagandahan pero dahil sa full support ng kanyang tatay sa pangarap niyang maging sikat na dancer ay nabuo ang nag-uumapaw niyang self-confidence.

Noong high school at college, sumasali na si Franz sa mga extra-curricular activities sa school at sa baranggay nila. At kahit minsan ay binu-bully, lalo na’t hindi naman daw siya kagandahan, lumalaban siya at hindi hinahayaang lokohin ng iba.

Sa pagsasayaw nakilala niya si Phrain, ang lalaking nagbigay sa kanya ng sobrang atensiyon at pagmamahal. Kalaunan ay nagdesisyon silang magsama na at bumuo ng pamilya. Doble kayod ang ginawa ng mag-asawa dahil kahit pagod pareho sa trabaho ay kailangan nilang halinhinang alagaan ang anak nilang si Miel.

Dahil night shift si Franz sa trabaho at nag-aalaga pa ng anak, kaunti lang ang oras niya para matulog. Kaya tuwing papasok ng trabaho, pagod na pagod pa rin siya at minsan ay bumabawi na lang ng tulog sa byahe.

Isang araw, nagulat na lang siya nang ipakita ng kaibigan niya ang pagkalat ng kanyang litrato habang nakangangang tulog at nakahilig sa balikat ng katabing lalaki. Mas lalo pang nakasakit sa kanya ang mga unang komentong nabasa nila dahil sa pambubully ng netizens tungkol sa kanyang hitsura habang natutulog sa bus.

Doon siya ulit nakaramdam ng awa sa sarili at umiyak nang todo dahil hindi niya pala kaya kapag halos buong madla na ang umaalipusta sa kanya. Pero nandoon palagi si Phrain at ang kanyang pamilya para i-comfort at suportahan siya.

May isa rin siyang kaibigan na nagpaliwanag sa social media tungkol sa hirap na pinagdaraanan niya at malaki rin ang naging pasasalamat ni Franz noong makita ang ibang comments ng netizen sa pagtatanggol sa kanya.

Ngayong Sabado (May 30) sa Magpakailanman, tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Franz,  ang babaeng nag-trend at nag-viral sa social media at tinawag na “nganga sa bus girl.”

Itinatampok sina Divine Aucina bilang Franz, Joshua Dionisio bilang Primo, Gardo Versoza bilang Tatay Iko, Sue Prado bilang Nanay Malou, Stephanie Sol bilang Vina, Arny Ross bilang Maricris, Sancho delas Alas bilang Jonjon, at Pauline Mendoza bilang Young Maricris.

Mula sa direksiyon ni  LA Madridejos, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado sa GMA.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *