Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart, nakakaranas ng depresyon

TAGOS sa puso ang naging online kuwentuhan nina Jessica Soho at tinaguriang ‘Queen of Creative Collaborations’ na si Heart Evangelista sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Ibinahagi kasi ni Heart ang mga nararanasang anxieties at depression bunsod ng mga pinagdaraanan sa personal niyang buhay.

Aniya, “Without me knowing, ‘yung pressure ng social media, iyong pressure ng tao, dapat lagi kang maganda, kailangan lagi kang nauuna. Although hindi naman ako super ganoon, siguro subconsciously minsan, ‘pag may mga nasasabi tungkol sa ‘yo, akala mo hindi ka naapektuhan, but then it affects you. And, nagpa-pile up siya.”

May mensahe rin si Heart sa mga humuhusga sa kanya, “In fact, gusto ko siyang pag-usapan kasi porke’t nakikita nilang maganda ‘yung suot mo, mahal ‘yung bag mo, you’re living the life, feeling nila okay ka lang saktan. Feeling nila perpekto ‘yung buhay ko, na sa akin na ang lahat, it’s not.”

Ngayon ay patuloy pa rin ang pangangalap ni Heart ng tulong para sa mga apektado ng Covid-19 pandemic. Sa kanyang free time naman ay inaaliw ni Heart ang sarili sa pamamagitan ng kanyang TikTok videos at vlog.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …