Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aleish Lasic, inspirasyon ang idol na si Robin Padilla

AMINADO ang newcomer na si Aleish Lasic na malaking papel ang ginampanan ng idolong si Robin Padilla, kaya siya naging masigasig na makapasok sa mundo ng showbiz.

 

Wika ni Aleish, “Si Robin Padilla po super idol ko, kaya talagang pinilit kong maka-enter sa showbiz para makita siya at maka-work kasi hanga ako sa dedication niya at ‘yung pagiging humble. Si Jennylyn Mercado rin po, isa pang idol ko.”

 

Dagdag pa niya, “Nang finally nakatrabaho ko na po ang idol kong si Robin, sobrang saya ko po talaga after ng ekesena namin. Nagpa-picture ako sa kanya, sa wakas nakita ko rin siya in person, sobrang bait at humble.”

 

Si Aleish ay 27 years old, isang teacher, at tubong Oriental Mindoro. Nagsimula siya sa showbiz bilang model under Philippine Artist Center. Tapos nito ay sumabak siya sa acting workshop.

 

Kuwento pa niya, “After ko mag-workshop, na-meet ko si Mark Roxas ng Allstar Talent Agency, siya ang nag-train sa akin until may na-meet akong talent handler na ini-line up niya po ako sa show. First break ko po noon ang Onanay as student, after po ay nag-crowd ako sa ibang shows and films. Doon ako nag-start hanggang nabigyan ng role at naging regular sa show ni sir Robin Padilla na Sana Dalawa ang Puso.”

 

Kabilang pa sa projects na nagawa niya ang Starla ni Judy Ann Santos, Ipaglaban MoFPJ’s Ang Probinsyano, at iba pa. Nabigyan din siya ng chance makagawa ng commercials at ilang short films.

 

Masaya si Aleish sa pag-arte sa harap ng camera at umaasang patuloy na mabibigyan ng magagandang projects.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …