Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MNL48, sumabak sa int’l benefit concert ng UNICEF

TULOY-TULOY pa rin pala sa pagbabahagi ng kanilang talent ang MNL48. Katunayan nagkaroon sila ng isang international benefit concert para sa UNICEF kahapon. Nakasama nina Coleen TrinidadSheki Arzaga, at Abby Trinidad ng MNL48 ang iba pang Asian stars para sa One Love Asia, international benefit concert.

 

Ani Abby, “Sobrang saya po namin noong malaman naming magpe-perform po kami sa ‘One Love Asia.’ Isa pong privilege na makasama po ang sikat na Asian artists at i-represent ang bansa.”

 

Pinaghandaan talaga ng grupo ang concert na ito na bukod sa ibang Asian artist ay na-excite rin silang makasama ang iba pang grupo mula sa ibang bansa na kabilang sa AKB48.

 

“Naghanda po kami physically and mentally. Tiniyak naming makapagbibigay kami ng saya, bago, at nakai-inspire na performance.  Positive vibes at ngiti sa mga manonood din ang ibinahagi namin,” sambit naman ni Sheki.

 

Naging paraan din ang concert para makalikom ng pondo para sa mga bansang apektado ng Covid-19.

 

“Blessed po ang pakiramdam namin na gamitin ang talento namin para sa isang magandang hangarin ngayong may pandemic. Nakatutuwa na matulungan ang mga apektado ng heath crisis, lalo na ang mga bata,” pagbabahagi naman ni Coleen.

 

Ang One Love Asia ay handog ng YouTube at WebTVAsia. Mapapanood ito sa youtube.com/c/oneloveasia at onelove.asia.

 

Samantala, maaari pa ring bumoto ang fans sa gusto nilang maging bahagi ng MNL48 third generation sa MNL48 Third General Election. Para makaboto, pumunta lamang sa https://mnl48.hallohallo.com/ hanggang June 27 ng 9:00 p.m..

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …