Wednesday , October 30 2024

Malvar, Tuloy Ang Laban!

ANG Kaanak ng mga Bayani ng Himagsikang Pilipino 1896 (KAANAK 1896) na inorganisa ng National Historical Commission (NHC) noong 1991, na ang naging Founding Chairman ay si Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., ang producer ng Malvar at apo ng Pambansang Bayaning si Hen. Miguel Malvar.

 

Ang isa sa primary goal ng KAANAK 1896 ay ang isama ang mga descendant ng Revolutionary Heroes sa dokumentasyon ng patuloy na pakikipaglaban para sa kalayaan at demokrasya at sa paglaban sa krimen, korapsiyon at kalamidad. Ang mga ito ay ipakikita sa paglikha ng movie/documentary na Malvar, ang pagsasapelikula ng buhay ng magiting na bayaning si Hen. Miguel Malvar na ngayon pa lamang ipatutupad ng isang producer ang tungkol sa buhay ng isang bayani.

 

Ipagpapatuloy ang ahooting ng Malvar(Tuloy Ang Laban) na ang istorya ay tatalakay sa buhay ni Hen. Malvar at ang koneksiyon niya kay Dr. Jose Rizal hanggang sa mga sumusunod na henerasyon at sa kasalukuyan.

 

Sina Malvar at Rizal ay sa magkalapit na bayan nanirahan — sa Sto. Tomas, Batangas ang una at sa Calamba, Laguna ang huli. Bago pa man ang 1896 Philippine Revolution, ang dalawang pamilya ay malapit na sa isa’t isa. Bukod sa naging family doctor ng mga Malvar si Dr. Rizal na siya ang nag-opera sa harelip ng asawa ni Hen. Malvar na si Paula Maloles Malvar, naging business partner din ng magiting na Heneral ang kapatid ni Dr. Rizal na si Soledad sa kanyang farming venture noong panahong Governadorcillo ito ng Sto. Tomas, Batangas bago siya sumapi sa KKK ni Andres Bonifacio noong 1896.

 

Si Hen. Malvar ay isa ring mahusay na manunulat at malaki ang impluwensiya rito ni Rizal, at isa sa mga panulat nito ay ang kanyang Presidential Edicts noong pamunuan niya ang Rebolusyonaryo nang madakip si Hen. Emilio Aguinaldo ng mga Amerikano noong 1901 sa Palanan, Isabela sa kasagsagan ng digmaang Pilipino-Amerikano. Ang nakatatandang kapatid ni Jose na si Hen. Paciano Rizal ay nakasama ni Malvar sa limang buwang siege ng mga Amerikano sa Calamba, mula Agosto hanggang Disyembre 1899. Ang anak naman ng kapatid ni Dr. Rizal na si Soledad – si Amelia Quintero, ay napangasawa ng panganay na anak ni Hen. Malvar na ang pangalan ay Bernabe na katulad ni Hen. Malvar ay may 11 anak, si Bernabe naman ay may 10  anak.

 

Magpapatuloy ang kasaysayan sa pakikipagdigma ng magiting na Hen. Malvar, at tatakbo ito hanggang sa iba’t ibang henerasyon mula noong naging Presidente si Manuel Quezon na isa sa opisyal ni Hen. Malvar noong Digmaang Pilipino-Amerikano, at tuloy-tuloy sa iba pang naging Pangulo ng bansa hanggang dumating sa kasalukuyang pamumuno ni Pres. Rodrigo R. Duterte, upang ipamalas ang kagitingan at patuloy na pakikibaka ng mga angkan ng bayani sa kanilang hangad na huwag masayang ang sakripisyo at katapangan ng kanilang mga ninuno na pawang mga bayani ng bayan sa pamumuno ni Hen. Malvar at Dr. Rizal.

 

Sa kinakaharap na krisis ng pandemyang pandaigdigan, at sa limitasyon na ipinatutupad ng filming guidelines, susunod sa protocol ang JMV Film Production sa pamumuno ni Atty. Villegas, bilang Malvar producer at ang direktor nito na si Jose ‘Kaka’ Balagtas, sa pamamagitan ng movie/documentary na Malvar.

 

Mananatiling si Sen. Manny Pacquiao ang gaganap na Hen. Malvar at sa pakikipagtulungan ni Camarines Sur Vice Gov. at President ng Actors Guild of the Philippines, Imelda Papin, (line producer) posibleng mapasali sa mahahalagang papel sina Mayor Isko Moreno; Bulacan Gov. Daniel Fernando; Former Laguna Gov. ER Ejercito; Camarines Sur Gov. Migs Villafuerte; Batangas Gov. Hermilando I. Mandanas na maaaring maging narrator ng Movie/Documentary Film at marami pang iba.

 

Ayon kay Papin, patuloy sila na nag-o-audition kung sino ang gaganap kay Paula Malvar, asawa ni Hen. Malvar; Soledad na kapatid ni Dr. Rizal; Amelia Rizal Quintero na asawa ni Bernabe na panganay na anak ni Hen. Malvar.

 

Bukas pa rin ang role para sa karakter ni Bernabe na naging Executive Secretary ni Pres. Quezon, former Gov. of Batangas, Maximo Malvar isa rin sa mga anak ni Hen. Malvar at ang mga apo ni Malvar-Rizal na ganap na naging World War II Heroes, katulad ni Capt. Antonio Rizal MalvarLt. Tomas Rizal Malvar at mga pinsang sina Capt. Antonio Malvar Meer (the most decorated World War II Hero from Batangas), Capt. Potenciano Malvar ang anak ni Gov. Malvar na lahat ay mga war heroes ng World War II katulad ng kabayanihan ng kanilang mga ninunong sin Hen. Malvar at Dr. Rizal na naglingkod nang lubos sa bayan.

 

Hinahanap din ang gaganap na Atty. Jose Malvar Villegas, Jr. para ipamalas ang kanyang katapangan at kagitingan bilang pangulo ng Labor Party Philippines (PPP) at Founder ng Citizens Crime Watch (CCW) na pinagdaanan ang isang makulay na buhay.

 

Ayon kay Roy Daza, Pangulo ng KAANAK 1896, iminungkahi na niyang isama ang mga angkan ng mga bayani sa anumang pelikula tungkol sa kanila, noong dumalo siya sa paglulunsad ng Malvar sa Aberdeen Court, Quezon City noong Dec, 2019.  Si Daza ay apo ng Revolutionary Hero na si Col. Eugenio Daza, Sr. na namuno sa Balangiga Samar Battle na natalo ang puwersa ng mga Amerikano at nagdulot ng tinatawag na Balangiga Masaker sa ating kasaysayan. Kasama ni Atty. Villegas ang ama ni Daza na si Col. Eugenio Daza, Jr. na nilabanan ang Marcos Martial Law Dictatorship. Nag-organize si Atty. Villegas at Col. Daza ng isang malawakang protesta na kasama rin si dating Labor Secretary Terry Adivoso, Pangulo ng Hunters Guerilla noong kapanahunan ng World War II.

About hataw tabloid

Check Also

Relief efforts ng GMA Kapuso Foundation patuloy na isinasagawa

Relief efforts ng GMA Kapuso Foundation patuloy na isinasagawa

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang relief efforts ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa mga kababayang nasalanta …

Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen

Alden masugid na nililigawan si Kathryn; sweetness totoong-totoo

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nga mapigilan ang kilig ng mga faney sa …

Sylvia Sanchez

Sylvia gusto pa ring makita ang ama: gusto ko ng closure, buhay o patay

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa Fast Talk With …

Bianca Tan Believe It Or Not 2

New teen actress nahirapan sa pagbibidahang pelikula

MATABILni John Fontanilla VERY promising ang new teen actress na si Bianca Tan na bida /kontrabida sa …

Ivana Alawi

Ivana muling isinugod ng ospital

MATABILni John Fontanilla ILANG araw matapos makalabas ng ospital si Ivana Alawi ay muli itong  dinala sa  …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *