MAS marami pang Kapuso viewers ang makakapanood ng mga local newscast ng GMA Regional TV dahil simula noong Lunes (May 18), may replay na ang mga ito gabi-gabi sa leading news channel na GMA News TV.
Tinawag na GMA Regional Strip ang slot na bawat gabi, may isang local newscast ang eere tuwing 9:45 p.m..
Tuwing Lunes, ang leading North Central Luzon newscast na GMA Regional TV Balitang Amianan ang mapapanood. Pagsapit naman ng Martes, ang Kapuso local newscast sa Central and Eastern Visayas na GMA Regional TV Balitang Bisdak ang mapapanood.
Mas marami ring magiging updated sa balita sa Western Visayas dahil pwede nang mapanood ang pioneering unified Hiligaynon newscast na GMA Regional TV One Western Visayas tuwing Miyerkoles ng gabi. Bandang timog naman ang bibida tuwing Huwebes sa unified local newscast na GMA Regional TV One Mindanao.
Friday nights will never be the same dahil mapapanood na rin ang replay ng morning show na GMA Regional TV Live.
Bago ang replays sa GMA News TV, mapapanood ang mga GMA Regional TV newscasts Lunes hanggang Biyernes, 5:00 p.m. sa lahat ng local channels nationwide ng Kapuso Network.
Ang GMA Regional TV Live! naman ay unang mapapanood tuwing 8:00 a.m. sa GMA Regional TV Central and Eastern Visayas channels.
RATED R
ni Rommel Gonzales