DAHIL sa patuloy na banta ng COVID-19, ipinagpaliban ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagdaraos ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko para sa taóng 2020.
Idaraos ang parangal sa 2021 at magbibigay ng kaukulang panahon upang makapaghanda ang KWF sang-ayon sa mga wastong hakbang pangkalusugan.
Ang Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ay isang prestihiyosong parangal para sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan na nagpamalas ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino sa kanilang paglilingkod.
Pagtalima ito sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na humihimok sa lahat ng mga kagarawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentalidad ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.
Nagsimula noong 2016, ilan sa mga ilang ulit nang pinarangalan ng Selyo ng Kahusayan ang Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas (PHLPOST), Lungsod Mandaluyong, Lungsod Maynila, at Lungsod Taguig.
Para sa karagdagang detalye, maaaring magpadala ng email sa [email protected]. Maaari rin tumawag kay Bb. Pinky Jane Tenmatay ng Sangay ng Literatura at Araling Kultural sa mga numerong (02)8252-1953/09152864011 o sa email na [email protected].
https://www.facebook.com/komfilgov/photos/a.926809631048246/998574693871739/?type=3&theater