Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, namaga ang mukha; naaksidente pa

NABAHALA ang napakaraming fans ni Kris Aquino nang tumambad ang namamagang mukha nito sa social media gayundin ang   paghahayag ng aksidenteng nangyari.

Magang-maga ang mukha ni Kris dahil sa allergy matapos makainom ng maling pain reliever para sa kanyang migraine. Kaya naman ang dapat sana’y Facebook Live niya noong Martes ng gabi ay hindi natuloy.

Bukod sa pag-atake ng matinding allergy, napuruhan din ang kaliwang kamay niya nang mabagsakan at maipit ng electric fan.

Dalawang picture ni Kris ang ipinost niya sa kanyang Facebook page. Roo’y makikita ang matinding pamamaga ng kanyang mukha lalo na ang mga mata gayundin ang nakabendang kamay na siyang napuruhan ng electric fan habang inaayos iyon.

Narito ang buong pahayag ni Kris mula sa kanyang FB.

“Sorry hindi natuloy our other FB Live sessions… WARNING: don’t swipe to the next 2 pictures if you’re not okay seeing swollen eyes na parang nakipag sparring ako kay Ronda Rousey.

“Last Sunday, I drank the wrong pain reliever for my migraine- the result? Super bad allergic reaction & 5 days before swelling finally subsided. 

“INGAT please – let what happened to me be the warning. 

“Last picture is my left hand because this afternoon i tried to be independent; 

“I was adjusting the electric fan stand to lower it, malay ko ba na pwedeng biglang bumagsak na lang yung buong fan & naipit na ko- OUCH. 

“Since hindi talaga pwede sa pain relievers & anti inflammatory meds, i’m using helichrysum essential oil… 

“Nurse Mona made a splint because ang hirap to straighten my hand, may mga naipit na ugat kaya up to my elbow yung kirot.

“Wishing all of you good health & will try to do another FB session soonest. God bless you all.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …