Maraming nasabi si Mystica kay Arnell Ignacio pero ayaw patulan ng huli ang sentimiyento ng una.
Tipong magkita na lang daw sila sa piskalya at doon na lang daw magpaliwanag.
May nai-file raw kasi siyang kaso. Kung mali raw siya, ‘di sabihin lang daw ng fiscal’s office na ibasura na lang ‘yun.
May nakita raw kasi siyang hindi tama. That is why he had to file a case.
So far, wala pa naman daw sa korte ‘yun at titingnan pa lang ng piskalya.
“Kapag nasa preliminary investigation na tama siya sa ibibigay niyang counter [affividavit],” Arnell said.
“Pero ‘yung ganyan… Ewan ko lang sa kanya, kung tingin ba niya, makatutulong iyang pagsisigaw niya uli.”
Arnell is open with the possibility of talking to Mystica, since they would be seeing eye-to-eye at the fiscal’s office.
Idinulog na ni Arnell ang usaping ito sa piskalya. Doon na sila magtatagpong dalawa.
Nevertheless, marami ang nagsasabing parang hindi raw magandang pag-usapan ang ganitong topic lalo ngayong mayroon tayong kinakaharap na pandemya.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.