Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Excitement ni Rhian sa bakasyon, nauwi sa insomia

HALOS abutan na ng pagsikat ng araw bago dalawin ng antok si Kapuso actress at Love of my Life star, Rhian Ramos simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Kahit naka-adjust na sa tinatawag na ‘new normal,’ aminado si Rhian na nahihirapan siyang makatulog lalo na noong mga unang araw.

“Noong una, hirap na hirap akong matulog. Pa-late nang pa-late hanggang pinanonood ko muna ‘yung sunrise bago ako matulog,” kuwento ni Rhian sa isang exclusive interview kasama ang piling press  via Zoom.

Dagdag pa ni Rhian, noong kadedeklara pa lang ng ECQ ay excited siya dahil magkakaroon na siya ng oras para sa sarili gaya ng panonood ng shows, pag-aaral ng bagong skills, at ang balak na mag-enroll sa mga online masterclass.

Sa paglipas ng panahon, naisip ni Rhian na gumawa ng routine at schedule para magkaroon ng structure ang kanyang mga araw. Alas-onse ng gabi siya natutulog at 8:00 a.m. naman gumigising.

Pagkagising doon na niya gagawin ang gawaing bahay gaya ng pagluluto, paglalaba, at pagliligpit.

Kasalukuyang napapanood si Rhian sa rerun ng Stairway to Heaven sa GMA Afternoon Prime.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …