Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chariz, pinakamahusay na komedyante para kay Camille

PARA sa Mars Pa More host na si Camille Prats, isa ang matalik niyang kaibigan na si Pepito Manaloto actress Chariz Solomon sa mga pinakamahusay at talentadong artista ng kanilang henerasyon.

Sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng award-winning comedy sitcom ng Kapuso Network na Pepito Manaloto, nag-post ang Kapuso comedienne na si Chariz ng larawan ng buong cast kaakibat ang isang sweet message para sa co-stars nito.

“The Lord has done me a very huge favor for the shows I’m honored to be part of right now. Thank you ‘Pepito Manaloto’ family for taking care of us and bringing out the best in all of us. I am home. Happy 10 years of quality entertainment!” ani Chariz.

Bumuhos naman ang mga congratulatory messages mula sa fans at kaibigan sa industriya gaya ni Camille na pinuri ang ‘talent at wittiness’ ng kaibigan.

“So proud of you Mars. One of the most talented artists of today. A thinking comedienne na walang paglagyan ang wittiness. Congrats to you and the rest of the cast of Pepito!,” ani Camille.

Patuloy pa ring napapanood si Chariz sa Pepito Manaloto tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend habang napapanood naman si Camille sa Mars Pa More tuwing 8:45 a.m. sa GMA-7.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …