Sunday , December 22 2024

1,693 OFWs, seafarers, natengga sa ‘quarantine’ makauuwi na rin sa wakas (Kung hindi pa nagalit si Digong)

SEKRETONG malupit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niyang magalit para kumandirit ang mga pakaang-kaang na opisyal ng gobyerno.

Huwag na tayong lumayo ng eksampol. Ganyan ang nangyari sa pakaang-kaang na si Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello, at ang puro dakdak na si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief, Leo Hans Cacdac.

Sina Secretary Bello at OWWA chief Cacdac ang nakatalaga para mangasiwa sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at sa mga seafarers na nang umuwi sa ating bansa ay isinailalim muna sa kuwarantena.

Ang orihinal na usapan ay 14-araw kuwarentena lamang at isasailalim sa mga pagsusuri ang mga OFW na kakikitaan ng sintomas ng coronavirus (COVID-19).

Sa madaling sabi, mula sa Airport, kontodo salubong ang ginawa ng DOLE at OWWA sa mga tinaguriang bagong bayani ng lahing Filipino.

At mula roon ay inihatid sila sa mga quarantine facility na kinabibilangan ng iba’t ibang hotel sa Metro Manila.

Heto ngayon ang siste, buong akala ng mga OFW, mayroon silang pagkain at inumin sa kanilang pupuntahan pero kamukat-mukat mo totosgas pala sila para sa kanilang mga pagkain at inumin na napaka-komersiyal ng presyo dahil nasa hotel nga sila.

Mantakin ninyong ang bottled water na wala pang 500 ml ay P20 ang presyo?! E isang lagukan lang ‘yun. E ang pagkain pa nila.

Siyempre, ang mga unang umangal ay ‘yung limitado ang panggastos at ang naitatabing pera ay naipadala na sa pamilya na kagaya nila ay nasa ilalim din ng enhanced community quarantine (ECQ).

‘Yung may pang-budget naman, pinagtiisan at nagpakatipid-tipid para mairaos ang 14-day quarantine nila at umaasang pagkatapos no’n makauuwi na sila sa kanilang pamilya.

Pero isang maling akala dahil inabot sila nang mahigit isang buwan nang walang nangyaring testing at isang beses lang nilang nakita ang mga taga-OWWA.  ‘Yun ay noong inihatid sila sa quarantine .

Kung saan-saan na sila nagreklamo at mismong ang inyong  lingkod ay ilang beses nang ikinolum ang kanilang miserableng kalagayan pero nagtaingang kawali lang sina Bello at dakdak ‘este Cacdac.

Kung hind pa nagalit si Pangulong Digong malamang baka matapos muna ang ang moderate ECQ bago sila makauwi sa kanilang pamilya.

Kahapon, Martes, inaasahang nakauwi na sa kani-kanilang tahanan ang 1,693 OFWs lulan ng 10 chartered flights ng Philippine Airlines (PAL).

Paki-check lang poi tong mga bilang na ito kung nakauwi nga sa kani-kanilang tahanan: PR5861 MNL to CEBU, 144 pax; PR5859 MNL CEB, 240 pax;

PR5853 MNL CEB, 296 pax; 2P4981 MNL TAC, 153 pax;

2P4987 MNL TAC, 155 pax; 2P4141 MNL ILO, 130 pax ;

2P4143 MNL ILO, 156 pax; 2P4145 MNL ILO, 145 pax;

2P4135 MNL BCD, 156 pax; at 2P4137 MNL BCD, 118pax;

Pero 1,693 OFWs lang po ‘yan, mayroon pang natitirang 6,307 OFWs and seafarers na kailangan pang makauwi sa kani-kanilang pamilya.

Sana naman ay hindi lang press release ang pagpapauwi na ‘yan sa 1,693 OFWS, sana’y sumunod na agad ang kailangan pang pauwiin na 6,307 OFWs at  seafarers.

Aksiyon, hindi dakdak at pakaang-kaang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *