Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pokie, pinatulan ang basher na umalipusta dahil artista lang siya, bobo at walang aral

MAY rant ang komedyanang si Pokwang sa Facebook.

 “ARTISTA LANG AKO!

“Para sayo na umaalipusta, artista lang ako, bobo at walang aral.

“Oo Artista lang ako kaya nai ahon ko pamilya ko sa hirap kagaya ng ibang nangangarap. kapag may audition sa kahit anong bagong shows DIBA ang pila ay aabot na sa bahay mo dahil sa haba? kasi nga maraming gusto maging artista lang.

“Artista lang ako bobo walang aral kagaya ng sinasabi mo madalas kapag di mo kami gusto at naglabas kami ng saloobin na karapatan din naman namin kagaya ng sinasabi mong karapatan mo din.

“Artista lang ako bobo kaya may paborito kang libro na binabasa mo at iyan ay isinulat ng artistang sinasabi mo na bobo, Oo ang artistang bobo ay di lang sa TV or sine mo makikita kundi nasa paligid mo sila at isa na nga dyan mga librong nag paiyak at nag pangiti sayo ng kwento, mga musikang nagpa luha, nag pangiti nagpa indak. yan ay gawa ng artistang bobo na sinasabi mo.

“Artista lang ako bobo kaya siguro gusto kami lagi makasama ng mga politiko kapag may eleksyon kasi para mapasaya at magamit sa hakot ng boto, may nagpapabayad meron naman libre kasi yon ang prinsipyo nila at paniniwala.

“Artista lang ako bobo kaya yung paaralan mo kung saan ka man publiko nag aral at kalsada na nilalakaran mo ay galing sa tax ko.

“Oo artista lang ako bobo di kagaya mo nag aral nakapag tapos pero ang tanong, ginamit moba pinag aralan mo?

“Nag mamahal,

“Artistang bobo!”

Bunga na rin ito ng ‘sangkaterbang bashers na pinapatulan at sinasagot naman ni Mama Pokey ng walang puknat!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …