STRANDED ka ba simula noong March 15, 2020 nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Luzon? Marahil, gusto mo nang makauwi para makapiling ang inyong pamilya?
Ngayong nasa general community quarantine (GCQ) na ang ilang lalawigan at marahil ang uuwian mo ay kabilang dito. Matutupad na ang ipinapanalangin.
May good news sa inyo si P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Commander ng Joint Task Force COVID Shield. Maaari na kayong umuwi para makapiling ang inyong pamilya pero, mayroong ipinagkaiba ngayon, hindi tulad noon na sasakay ka na lamang sa bus para makauwi.
Sa mga stranded, may mga prosesong kailangan sundin – madali lang naman iyan basta’t interesado kang makauwi.
Ayon kay Eleazar, huwag kayong mag-alala sa pagproseso dahil mismong PNP –– pulis ang tutulong din sa inyo (maging ang local government units – LGUs) sa pamamagitan ng paglalagay ng mga help desk sa city/municipal police stations sa buong bansa.
Pulis ang mag-aalalay sa pagpoproseso ng mga dokumento para sa Locally Stranded Individuals (LSIs), termino sa mga stranded.
Ani Eleazar, ang programa ay nasa ilalim ng superbisyon ni PNP chief, Gen. Archie Francisco Gamboa.
Ang kailangan gawin ng LSIs ay kumuha ng Travel Authority (TA) na magbibigay pahintulot sa LSIs para makapasok/makaraan sa lugar na nasa Quarantine Control Points (QCPs).
“We are aware of the situation of some of our stranded kababayan. They have suffered enough and have been wanting to be with their families, so the least that we could do is to make the entire process easy for them by setting up help desks in the police stations in every cities and municipalities,” pahayag ni Eleazar.
Heto ang maganda para hindi mahirapan ang LSIs… “These Help Desks will take charge of the processing of the Travel Authority that include proper coordination with the Local Government Units (LGUs) of the destination through the police station,” iyan ang sabi ni Eleazar.
O di ba, madali lang ang proseso at mga pulis na mismo ang tutulong.
Pero siyempre, ani Eleazar, ang LSIs ay kinakailangan lumapit muna sa barangay captain/s ng lugar kung saan sila stranded. Ang Kapitan ang magpapatunay na ang LSIs ay sumailalim sa 14 araw quarantine bago ang pag-apply ng TA. Papatunayan na hindi nahawaan o nagkaroon ng sintomas ng COVID 19 ang aplikante.
Makaraan, ang Kapitan na rin ang mag-eendoso sa LSIs sa City/Municipal Health Offices para sa karagdagang medical check-up para sa Medical Health Clearance.
Kapag may Medical Health Certificate na, ani Eleazar ay may dalawang pagpipilian ang LSIs. Unang opsiyon, isumite sa barangay captain/s at ipaubaya sa barangay officials ang pagproseso ng lahat kung hindi naman maaari rin ilapit ng LSIs sa Help Desks sa police stations para sila na rin (mga pulis) ang magproseso.
Mukhang mas maganda sa PNP Help Desk. Bakit?
Heto ang advantage riyan kapag Police Help Desk… “If the LSIs would choose the police assistance, it is the Help Desks which would initiate the processing that includes coordination with the proper police offices for hassle-free travel.
O di ba? Kasi kung kay Kapitan, daraan pa rin ang lahat sa PNP lalo na ang koordinasyon sa mga pulisya ng bayan, lalawigan o regional. Sa PNP, minsanan na lang.
“Generally, the LGU destination cannot deny the entry of the LSIs but for courtesy and preparation, coordination must be done. The LGU can only delay an LSI’s entry with reasonable grounds, such as unmanageable entry. Once the proper coordination is made, the Help Desks will inform the LSIs through e-mail or text message that the Travel Authority is approved and ready for pick-up,” dagdag ni Eleazar.
Hindi lang ito, ipadadala rin ang kopya ng TA sa LSIs sa email nito para mai-print o mai-download sa cellphone.
“It is the Help Desks which will facilitate the issuance of the Travel Authority whether the approving authority is a Chief of Police, Provincial Police Director or City Police Director, or Regional Director. The Travel Authority must include the date of travel and point of destination, as well as the basic details on the vehicles that will be used and the names of the drivers,” pahayag ni Eleazar.
Inilinaw naman ng Kumander, na ang kalakaran ay hindi dagdag pahirap sa LSIs kung hindi ito ay para na rin sa kanilang seguridad maging sa uuwiang bayan.
“The travel of the LSIs is not a right but a privilege now that we are on quarantine,” paglilinaw pa rin Eleazar.
Sa LSIs, good news po ito sa inyo. Makauuwi na kayo…at mismong PNP pa ang mag-aalalay sa inyo. Kapag pinahirapan kayo ng pulisya, aba’y agad ipaalam sa media o mismong kay Lt. Gen. Eleazar. Madaling umaksiyon ang opisyal na ito. Hindi niya kayo tatanggihan.
AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan