Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Super Tekla, kakabit pa rin ang Wowowin saan man mag-show

INAMIN ni Super Tekla na kung hindi dahil sa Wowowin ni Willie Revillame ay walang Super Tekla.

“Kasi siyempre, aminin naman natin, kung hindi dahil kay Donita (Nose), kung hindi niya ako tinawagan na mag-guest sa ‘Wowowin’ para maglaro, walang Super Tekla ngayon.

 

“Wala ring Super Tekla kung hindi ako nakita ni Kuya Wil.

 

“Siyempre sobrang blessing in a way dahil sa ‘Wowowin,’ doon talaga,  nag-umpisa ako, nandoon na ako, pero hindi pa rin napapansin.

 

“Pero ang ‘Wowowin,’ ‘yun ang nagpako talaga sa akin.

 

“Aaminin ko talaga, I have several shows, ‘The Boobay And Tekla Show.’

“Pero every time na nasa raket ako or nasa ibang bansa, naa-address nila ‘yung ‘Wowowin,’ nakadikit pa rin sa akin.”

Straight na lalaki si Super Tekla.(Trabaho lang sa kanya ang pagiging Super Tekla).

“Yes. Nakuha ko ‘tong ganitong look sa comedy bar.”

Bakit ang galing-galing niya?

“Gift po ng God ‘to, kasi bihira sa isang performer or sa isang comedian na biyayaan ng ganoon, kasi ‘yung… basta ‘yung nano-notice ko lang, every time I come up on stage, ‘pag hawak ko na ‘yung mic, may magic na eh.”

Siya lang ang straight guy na kapag nagpe-perform na sa comedy bar o sa TV ay nagiging bading na? Mayroon pa bang iba?

“Hay naku, ‘pag nakita n’yo po ako in person, naku naka-sando lang ako. Hindi ninyo ako ma-identify, kasi as in… parang mag-aayos ng aircon.”

Nag-iisa siya sa daigdig ng komedya ng entertainment na straight guy pero bading ang character.

Samantala, bida si Super Tekla (kasama si Pancho Magno) sa Magpakailanman na mapapanood ngayong Sabado (May 23).

Tampok sa Magpakailanman (Ang Kamao ng Beking Boksingero: The Yohan Golez Story) si Super Tekla bilang ang amateur boxing champion na si Yohan Golez. Pinasok niya ang sport na boxing dahil akala niya ay ito ang “lunas” para sa pagkalalaki niya. Dahil sa galing niya, napasabak pa si Yohan sa international boxing matches. Ngunit sa kabila ng tagumpay, may mga pagsubok na haharapin si Yohan sa labas ng boxing ring.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …