Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Joshua, mapapanood sa Actors Cue

NAKU tiyak na interesting na naman ang talakayan ngayong araw ng Actors Cue na nasa ika-10 series na.

Kung nag-enjoy kayo sa mga naunang talakayan ng mga artist, ngayong araw iba naman dahil sina Daniel Padilla at Joshua Garcia ang makakasama para pag-usapan ang ukol sa kanilang mga naging pelikula gayundin ang ilang process ng kanilang pagiging actor sa isa na namang special edition ng Actors Cue para sa #ExtendTheLove initiative. Mamaya na po ito, 7:00 p.m. sa fb.me/ExtendTheLove.

Bukod sa dalawa, makakasama rin si Zanjoe Marudo gayundin ang moderator nito at magaling na director na si Adolfo Alix Jr. Ang event  na ito ay para sa mga displaced film worker na naapektuhan ng quarantine.

Ang #ExtendTheLove ay isa ring paraan ng pagtulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown. Sinimulan ang proyektong ito sa pamamagitan ng pag-i-screen ng mga pelikula online at pagkaraan ay ang live sessions.

Ang Actor’s Cue  ay isang online session ng mga actor na ikinukuwento nila ang tungkol sa kanilang mga nagawang pelikula gayundin ang kanilang passion. Nakapag-guest na rito si Jaclyn Jose gayundin si Piolo Pascual.

Samantala, maaari kayong mag-share sa #ExtendTheLove sa pamamagitan ng BDO Account Name: Robert John Liboon,
Account Number: 008750028001; o sa BPI Account Name: Alfredo Villar, Account Number: 2570008156; o bisitahin ang fb.me/ExtendTheLove para sa ibang detalye.

 

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …