Saturday , November 23 2024

Apela ng Globe sa LGUs: Pagtatayo ng cell sites suportahan

UMAPELA ng suporta ang Globe sa local government units (LGUs) kaugnay sa pagtatayo ng cell sites sa harap na rin ng pagtaas ng demand para sa internet services dahil sa ipinatutupad na ‘new normal’ dulot ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bago ang COVID-19, ang mga lokal na pamahalaan ang nagiging sanhi ng mabagal na rollout dulot ng masalimuot na proseso sa pagbibigay ng permit.

Sa katunayan, maraming LGUs ang tumatangging papasukin ang anomang telecom construction dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

“The internet has become an essential part of our new way of life, especially with the prospects of the new normal like work from home and e-learning. It is imperative especially these times of the new normal that we start addressing the challenges in building cell sites so we can provide the 1st world internet quality we all aspire for,” pahayag ni Atty. Froilan Castelo, General Counsel ng Globe.

Tumaas ang demand para sa internet services sa bansa lalo sa residential areas sa maraming kadahilanan.

Kabilang dito ang mga empleyado na naka-work from home, mga estudyante na nagsasagawa ng e-learning, entertainment at nag-i-stream ng videos para manatiling connected sa mga kaibigan at pamilya, nag-oorder ng pagkain at nagsa-shopping online, gumagamit ang digital payments, online banking, at iba pa.

“We appeal to LGUs especially the barangay leaders to rethink the way they view permits to enable building the right amount of infrastructure to best serve their constituents. If they allow just one oppositor in a barangay to stop the permitting process, then it’s a disservice to the entire city, not just the barangay,” sabi ni Castelo.

“Homeowners Associations are likewise a source of delay and inevitable loss of connectivity. Homeowners should stop using arguments about health risks because for many years these arguments have already been laid to rest by the World Health Organization (WHO) the same institution we rely on today with the ongoing pandemic,” dagdag niya.

Ang Filipinas ay may napakababang site density kompara sa ibang mga bansa dahil sa kawalan ng cell sites kompara sa bilang ng internet users.

Ang Filipinas ay kulelat sa India, China, Indonesia at Vietnam pagdating sa cell sites at internet users ratio.

Sa 2019 3rd Quarter report ng Tower Xchange, may 17,850 cell sites sa bansa.

Samantala, sa pinakabagong datos mula sa We Are Social ay lumilitaw na ang internet penetration sa bansa ay nasa 67% noong Enero ng kasalukuyang taon. Ang bansa ay mayroon ngayong 73 million users sa social media.

“This brings the users per site ratio at 4,089 users that are sharing one cell site,” ayon sa Globe.

Bilang paghahambing, ang Vietnam ay may 90,000+ cell sites. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung kaya ang internet speed sa maraming bansa ay mas mabilis kompara sa Filipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *