Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric Gonzales, mas pumayat ngayong ECQ

KAPANSIN-PANSIN ngayon ang mas fit na pangangatawan ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales ngayong modified enhanced community quarantine.

Doble kasi ang pangangalaga niya sa kanyang kalusugan. Kuwento niya, “Mas balanced ‘yung diet ko ngayon unlike sa taping na lagi kaming puyat at pagod. And then, kailangan mo ng energy kaya kumakain kami ng junk food at ng sweets. Ngayon, well-balanced na ang diet ko dahil lutong bahay at luto ng nanay ko. Puro gulay!

“Nakakapag-exercise rin ako araw-araw na hindi ko nagagawa rati. Gustuhin ko man mag-workout pero ‘di ko nagagawa. Ngayon ang dami kong time para mag-workout and mag-exercise. I feel good because I lost weight,” dagdag pa ni Jeric.

Isa pa sa libangan niya ngayon ang panonood ng mga Korean drama series o K-drama.

Aniya, “Nagkaroon ako ng time manood ng maraming movies, series, but more specifically Korean dramas. Mas marami akong napanood na K-dramas na nakakarelaks, nakakikilig, at maganda rin siyang stress reliever sa pagka-bored natin.”

Samantala, para sa mga nakaka-miss kay Jeric sa telebisyon, mapapanood pa rin ang full catch-up episodes ng Magkaagaw sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …