NAKAISIP na naman ng isang makabuluhang activity ang Mars Pa More host na si Iya Villania habang naka-quarantine. Ito ay para sa mga first-time moms na nahihirapan i-potty train ang kanilang mga chikiting.
Ngayon kasi ang perfect time para gawin ito dahil maraming panahon na magkasama ang mga mag-iina sa bahay dahil sa lockdown bunsod ng pandemic na Covid-19.
Sa isang Facebook Live session, binigyan ni Iya ng potty training tips ang mga mommy mula sa kanyang personal experiences. Kasama rin niya sa video ang cute na cute na mga anak na sina Primo at Leon, pati ang asawang si Drew.
Mapapanood ang Mama Iya’s Tips on POTTY TRAINING sa kanilang FB page na Life with the Arellanos. Laking pasasalamat naman ng mga sumali sa live session dahil sa helpful na techniques ng host.
RATED R
ni Rommel Gonzales