ni Pilar Mateo
Niña Taduran, may hugot — Ano nga ba itong pinasok ko?
MASARAP magbasa ng hugot ng mga tao in their social media accounts. Lalo na ang mga taong kilala mo.
Sa TV-5 ko siya madalas makasalubong noon. O kaya, magkakasabay kami sa Ladies’ Room after ng radio program nila ni Kuya Raffy Tulfo at susunod naman ang kay Nanay Cristy Fermin at saglit na nagtsitsikahan.
Ngayon, isa na rin siyang public servant. Si Niña Taduran.
Ang kanyang pasasalamat.
“Ano ba itong pinasok ko? This was exactly my first reaction after being offered as third nominee of ACT-CIS Party-list back in October 2018. Undecided after that ungodly hour emergency meeting, I’m trying to compose myself and kept asking, “Is this really happening? Should I enter poliitics? Paano na ang broadcast career ko na matagal kong minahal for the past 2 decades?” That was the start of my sleepless nights.
“The next day, I consulted my immediate family who eventually gave their full support. Soon after the filing of CONA, my team prepared for the campaign. Mahirap naman na sasabak tayo sa giyera na walang bala. The entire ACT-CIS family is all ready to back me up. Sinuyod namin ultimong liblib na mga lugar lalo sa Kabikulan.
“Exhausting ang lahat. Hindi maaaring magreklamo dahil gaya ng commitment ko sa daily public service show, 101% na inalay ang oras at puso ko. And now, we are reaping the fruits of our labor. Tila nakalutang ako at nananaginip sa bilis ng mga pangyayari.
“Just like our radio show, we remain unbeaten at the top spot in the ongoing canvassing. All our hardwork and sleepless nights paid off. Yes, I’m heading to the House of Representatives. And all these occurences in my career happened according to His will and plans. The public support is overwhelming and so I am flattered to share this with you – the victory of ACT-CIS Party-list.
“Gaya ng mga bagitong mambabatas, magsisimula ako sa wala pero dahil sa buo at payak ninyong suporta, gagawin ang naaayon at nararapat alinsunod sa mandato ng nakakarami. I cannot pinpoint you one-by-one to extend my gratitude sa pagtitiwala na ipinagkaloob nyo sa amin. But personally, I am humbled and cannot mince the exact word to say thank you to Idol Raffy Tulfo, who trusted me and sa isang iglap isinabak ako sa mas malawak na responsibilidad sa larangan ng public service, hindi ko po kayo bibiguin.
“Kayo ang “Ninong” ko kasama ni Kuya Erwin Tulfo kung bakit nakilala ko ang pilantropo at negosyante na ngayon ay Cong Eric Go Yap, na naniwala sa aking kapasidad at kakayahang maglingkod. Hindi ko tatamasahin ang lahat ng ito kung di dahil sa inyo. Salamat may be the word but in reality, it’s more than that. Sa aking team na pawang volunteers at walang kapaguran sa sorties, you are the best. Bahagi kayo ng tagumpay na ito. Sa mga staff sa headquarters, thank you sa mahabang pisi at pagtugon sa aking mga kahilingan.
“To Cong Jeps, you certainly bridged everything to ensure that the campaign is running smoothly. Sa lahat ng mga sumuporta at nagtiwala sa ACT-CIS Party-list na gumawa ng kasaysayan, utang namin sa inyo ang lahat ng ito. Sisikapin namin na maibalik ang mas maayos na serbisyo publiko at matugunan ang inyong mga hinaing. Sa aking mga supporter at volunteer sa Bicol, salamat sa pagsusumikap na makakuha tayo ng sapat na bilang upang magkaroon ng Congressional seat subalit higit pa dito ang ibinigay sa atin.
“To my family, thank you and sorry for the lost time during the campaign. Now that the election is over, I’ll make sure to recoup all those missing moments we used to do. Salamat sa pasensya at suporta ninyo sa akin. Kayo ang sandigan at lakas ko sa mga panahon na gusto ko nang sumuko with all the exhaustion I encountered in the course of the campaign. Hindi ko lahat kakayanin eto kung wala ang aking matalik na kaibigan na si EricArevalo at Atorni Ton at ang buong buong campaign team.
“Pinakauna na nagpadala ng campaign materials ang kumare ko na si RhoennaDeunida at boss Mike Sicat. Di rin nagpahuli si mr JoebenTai at ms LiyaWu. Sa ating mga kababayan overseas especially sa mga kababayan ko from Iriga na tumulong sa akin during our campaign in Dubai, thank you. Salamat sa mga kaklase ko di ko na kayo iisa isahin pa lalung lalo na kay atty HunNadal at atty BhaneeBanaria, GerryOgavar, Hernan Antonio Bonnevie Jr. at kay ate VivianLlagasEconomides at manoy Ron Awa.Sa Filipino Yachtsmen Association in Dubai thru Capt Joy De Vicente and company, maraming salamat. Isa rin sa malaki ang naiambag sa akin ay si dr MaricrisLim at si ms Aileen Choi Go at ms Mary AnnGan. Sa local officials na nagtiwala sa atin at sumuporta sa ating adbokasiya, bahagi po kayo ng tagumpay na ito. We know that our inclusion in Congress will make our advocacies stronger, and we’ll always play by the rules and build better lives.
“As what Democratic speechwriter Jeff Nussbaum wrote, “We know what it takes to lead the world both with the example of our power, and with the power of “As what Democratic speechwriter Jeff Nussbaum wrote, “We know what it takes to lead the world both with the example of our power, and with the power of our example. We know what needs to be done.” Exactly, we know what we’re heading to and we have identified what to address.
“This early, nais kong ipahatid sa inyo ang taos-pusong pasasalamat sa umaapaw na suporta para sa ACT-CIS Party-list. Ang laban ninyong mga inaapi, ay laban namin at hindi tayo titigil hanggang makamit ang kalutasan ng inyong mga hinaing. Sama sama tayo para sa isang payapa at maunlad na bansa. Mabuhay ang sambayanang nagtiwala at magtitiwala sa aming kakayahan. Mabuhay ang ACT-CIS Party-list!”
#Pasasalamat #PublicServiceLady
At wala pa ring sawa silang umiikot sa mga maaabot ng tulong at ayudang kanilang ipinamamahagi sa iba’t ibang lugar.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo
ni Pilar Mateo