Thursday , December 19 2024

Julia, sa bagong karelasyon — I want things to last, I’m gonna protect it with all that I have

MASAYA na ang puso ni Julia Barretto ngayon lalo pa’t may bago na siyang estratehiya sa pagha-handle ng pakikipagrelasyon niya.
At ang estratwhiya na ‘yon ay ‘di n’ya ipagtatapat kung sino ang karelasyon n’ya at kung mayroon nga o wala siyang karelasyon.
Proklama n’ya noong mag-guest siya (sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa telepono) sa Moving On ng radio station Magic 89.9 FM kamakailan: “My heart is fine right now, actually… thankfully.”
Pagdidiin pa n’ya sa hosts ng programa na sina Sam YG at Gino Quillamor: “It’s happy right now… it’s very happy. But I think, as to whether I’m single or not, I think I’m not gonna answer that for now. I think I wanna keep people wondering.”
Nakapagtataka kung bakit ganoon ang sagot n’ya sa dalawang sweet na hosts na kalmado namang tinanggap ang klase ng mga sagot na ‘yon.
Hindi paglilihim ang kasalukuyang ginagawa ni Julia kundi pagdi-deny na ‘di naman pinaniniwalaan ng madla.
Ang tagal n’yang itinatanggi na kaya siya nakipaghiwalay kay Joshua Garcia lagpas na ng isang taon ang nakararaan ay dahil nabaling ang puso n’ya kay Gerald Anderson noong ginawa nila ang pelikulang Between Maybes sa Japan.
Paminsan-minsan hanggang ngayon, may natutulikap na ebidensiya ng relasyon n’ya kay Gerald ang mga netizen na  masugid na tagasubaybay ng showbiz.
Halimbawa’y ang pagkakaroon nila ng magkamukhang-magkamukhang bracelet na siyang nakaugaliang gawin ng mga magkasintahan. Magkapareho rin ang jersey number nila nang sumali sila sa ABS-CBN All-Star Games noong August 2019.
Anyway, pangangatwiran ni Julia sa dalawang hosts kung bakit magiging malihim na siya sa lovelife n’ya: “If there’s something that you really wanna last and work out, protect it as much as you can. Don’t share too much about it.
Don’t share so much about a relationship that is supposed to be just between two people.”
Gayunman, sa paglaon ng interbyu inamin na rin ni Julia na may karelasyon siya ngayon. Noong nag-celebrate siya ng 23rd birthday n’ya noong March 10 ang kasalukuyang boyfriend lang n’ya ang ‘di n’ya kapamilya na niyaya n’ya sa birthday dinner sa bagong sarili n’yang bahay (na ilang hakbang lang naman yata ang layo sa bahay ng nanay n’yang si Marjorie, na kapiling pa rin ang mga anak n’ya kay Dennis Padilla at ang isang anak n’ya sa isang dating meyor ng Caloocan City).
Halos sumpa n’ya kung paano n’ya tinatrato ang bago n’yang relasyon: “So now, I want things to work out, I want things to last. I’m gonna protect it with all that I have.
I’m gonna keep a lot of things to myself from now on when it comes to that aspect in my life.” Dahil hindi nga siya mapilit ng dalawang hosts na sabihin ang pangalan ng kasalukuyan n’yang boyfriend, tinanong na lang siya ng dalawang hosts kung ano-ano ang mga katangiang ng lalaking gusto n’yang maging boyfriend. 
Heto ang enumeration ng ngayo’y 23 years old ng aktres ng ABS-CBN: “Someone intelligent… A good conversationalist.” 
Maiibig n’ya ang isang lalaking gentleman, maaasahan, at makaiintindi sa kanya. “Just being a gentleman, somebody who is always there for you. Someone who understands you.”
Wala ba kay Gerald ang mga katangian na ‘yon?
KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *