Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Toni na si Sevi, nag-enjoy sa Zoom party

DAHIL nga sa lockdown, stay at home lang talaga ang mag-asawang Toni Gonzaga at direk Paul Soriano with their son Sevi.
At madalas, pareho silang nakatutok sa kanilang mga laptop para magkaroon ng ugnayan with the outside world.
Sa kanilang mga mahal sa buhay, mga kaibigan at katrabaho.
Kaya ibinahagi nga ni Toni ang kanilang I Feel You project nina Inang Olive Lamasan, at ABS-CBN Films na nagkaroon ng live streaming noong Linggo at may replays pa sa buong Linggo.
Marami ang natuwa sa episode we had noong Mother’s Day with Ate Vi (Vilma Santos). At star studded sa mga naging iba pang guests. Nagkaroon din kami ng kay Ma’am Charo Santos where she talked about motherhood and her career.”
Kung mayroon mang naidulot na kabutihan sa kanya ang pangyayaring ito na nararanasan ng lahat, “It’s about letting go. Rati, I was a perfectionist. Napaka-OC ko kasi. This time, natutuhan ko na to take control of things I cannot control. Let go.”
Dahil online na nila hino-hold ni Paul ang kanilang meetings, hindi naiwasan na magtaka si bagets na roon sila nakatutok.
Kaya nag-request ito na sana siya rin eh, mag-Zoom.
Agad-agad namang natupad ‘yun nang maanyayahan si Sevi ni Mariel Padilla na “dumalo” sa Zoom party ng bunsong anak.
“Nakalagay pa nga bring your favorite toy. Feel na feel siya ni Sevi kahit virtual. Tuwag-tuwa. Kami naman, thankful for this virtual show. ito ngayon ang nagpapasama-sama sa atin.”
Mapapanood ang kanilang I Feel You sa sari-saring platforms na gaya ng Jeepney TV, Cinema1, at Myx.
Enjoy!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …