Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko at VG Jay, nagkatampuhan

HINDI naman kompirmado pero marami ang nalulungkot kung totoo nga na hiwalay na sina Aiko Melendez at Zambales Vice-Governor Jay Khonghun?
Ito ang umiiikot na bulong-bulungan ngayon sa lahat ng sulok ng showbiz.
Nagsimula ang isyu dahil may mga malalapit na kaibigan ang dalawa na nakapansin na nitong nakaraang Mother’s Day celebration ay hindi binati ni Vice-Governor ang karelasyong multi-awarded actress sa Facebook account nito na tulad ng mga nakalipas na taon. Dati ay walang palya si VG Jay sa pagbati kay Aiko sa anumang okasyon.
Ni wala ring post si Aiko sa kanyang social media accounts (Facebook at Instagram) kung binigyan man lang ba siya ni VG Jay ng roses at chocolates o anumang regalo bilang pagpupugay sa pagiging mabuting ina ng aktres.
Kapansin-pansin din na walang anumang bagong update si Aiko sa mga COVID-19 relief operation nila ni Jay, hindi tulad ng mga nakaraang linggo na napaka-aktibo ng dalawa sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pandemya.
Nagpadala kami ng mensahe kay Aiko (sa pamamagitan ng text at FB messenger); sa una ay smiling emoji ang isinagot sa amin ng Prima Donnas actress.
Sa pangalawang mensahe namin ay hindi na sumagot pa si Aiko. Patuloy pa rin kaming naghihintay sa paliwanag ni Aiko tungkol sa kaganapan sa relasyon nila ng Bise-Gobernador.
RATED R
ni Rommel Gonzales
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …