UMABOT sa 164 mananahing nawalan ng trabaho sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) ang inupahan ng Muntinlupa City sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan Para sa Displaced Workers (TUPAD), upang gumawa ng face masks para sa mga frontliners at mga residente ng lungsod.
Makikita sa larawan na ibinigay ni Muntinlupa Gender and Development Office head Trina Biazon, at ni Public Employment Service Officer Glenda Aniñon ang mga tela at iba pang materyales an gagawing face masks sa mga benepisaryo nitong Martes, 12 Mayo.
Ang mga benepisaryo ng TUPAD ay magtatrabaho sa loob ng 15 araw at tatanggap ng sahod na P537 kada araw.