Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine Dizon, isinugod sa ospital dahil sa trauma sa halikan!

Nagsimula raw ang trauma ni Sunshine sa mga eksenang halikan in the year 2002 when she did the drama series Kung Mawawala Ka with Cogie Domingo, as directed by Joel Lamangan.

Anyway, in one of the scenes, kailangan raw na mag-kiss sina Sunshine at Cogie dahil habang nagki-kiss raw sina Cogie at Iza Calzado, ang nakikita kunwari ni Cogie sa face ni Iza ay si Sunshine.

Siyempre, ninenerbiyos raw si Sunshine lalo na’t medyo bagets-bagets pa siya noong time na iyon!

So, sinabi raw niya kay Cogie na baka puwede namang dayain na lang nila.

Bago ‘yung eksena, parang pinapawisan daw siya ng very light but during the actual scene, buong katawan na raw niya ang pinagpapawisan.

Now dahil sa super stiff raw siya sa eksena, nagalit ang kanilang direktor na si Joel Lamangan.       Sabi raw ni Joel, “Ayusin n’yo iyan! Kapag hindi n’yo iyan inayos, buong araw kayong maghahalikan!”

After three takes, nakapasa na raw sa standards ni Lamangan but the tension never left Sunshine.

Parang hindi na raw maganda ang kanyang pakiramdam to the point na parang nahihilo siya at parang very light ang kanyang pakiramdam.

Pagsakay raw niya ng kotse, nagha-hyperventilate na siya at nagdidilim ang kanyang paningin at nasusuka na siya.

She was rushed to the hospital because she was almost blacking out.

Pagdating raw nila sa E.R. sinabi ng doktor na nagha-hyperventilate siya sa sobrang nerbiyos at nanginginig, they had to give her some medicine to calm her down.

Kaya magmula raw noon, lahat ng mga ganoong eksena, dinadaya na lang nila.

In the next 18 years, nakagawa raw siya ng 20 television series, at siniguro raw niyang walang torrid kissing scene sa mga iyon.

Nakatulong rin daw na alam ng kanyang manager na si Perry Lansigan ang kanyang limitasyon.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …