Sunday , December 22 2024

Nagbanta kay Duterte timbog agad, online basher ni VP Leni, at-large

MABILIS pa sa alas-kuwatro nang dakpin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 25-anyos  lalaking guro na nag-post sa kanyang Twitter na magbibigay siya ng P50-million reward sa taong papatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi akalain ng ‘nagbanta’ na agad siyang matutunton ng mga awtoridad kaya hayun, dinakip na ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan District Office — ang teacher na kinilalang si Ronnel Mas — nitong Lunes.

Siyempre, dahil may ebidensiya na umano ang NBI at inaresto siya nang walang warrant, agad nang isinalang sa inquest proceeding ang teacher.

Ayon kay NBI Dagupan Chief Rizaldy Jaymalin, nahaharap si Mas sa mga kasong inciting to sedition related to cybercrime, at violation of Republic Act No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Stanfards for Public Officials and Employees) dahil siya ay isang public school teacher.

Humingi ng ‘sorry’ si Mas kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ngumangalngal sa paghingi ng sorry.

Sabi niya: “Nagso-sorry po ako kay President Rodrigo Duterte. Hindi ko po intensyon ‘yun.”

Dagdag ni Mas, “‘Yung tweet na ‘yun kumbaga saloobin ko lang kaso walang pumapansin, kaya nagawa ko ‘yun. Wrong move po.”

Bilib naman tayo sa NBI. Napakabilis umaksiyon.

Pero may isang malaking bakit. Bakit kapag si Vice President Leni Robredo ang pinagbabantaan sa social media ‘e hindi naman natin nababalitaan  na mabilis pa sa alas-kuwatro kung umaksiyon ang NBI?!

Mayroon bang tinitingnan o tinititigan ang NBI?!

Taong 2016 pa lang ay nakatatanggap na ng pagbabanta sa buhay ang Bise Presidente ng bansa, pero hindi natin nabalitaan na may nahuli sa mga nagbabanta sa buhay ni VP Leni.

Hindi ba’t may panahon na napilitang maghigpit ng seguridad sa tanggapan ni VP Leni dahil sa mga pagbabanta sa kanyang buhay?

At ngayon nga, isang public school teacher na taga-Sta. Cruz, Zambales ang nasampolan — pero hindi kay VP Leni — kundi kay Pangulong Duterte.

Hindi yata naiintindihan ng mga gustong magsipsip sa Presidente na lalong napapasama ang “image” ng Pangulo dahil sa sistemang kagaya niyan.

Kung umaksiyon noon ang mga awtoridad sa kaso ni VP Leni, hindi sana ‘nakulayan’ ang pag-aresto nila ngayon sa ‘P50-million bounty’ against the life of President Duterte.

Hindi naman natin sinasabi na huwag arestohin, ang sinasabi lang natin, huwag mag-double standard ang pagkilala nila sa katarungan lalo’t buhay ang pinag-uusapan dito.

Sana, huwag kalimutan ng NBI na may iba pang matataas na opisyal na nangangailangan ng aksiyon nila — aksiyong simbilis ng kidlat.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *