NAISIP kaya ni TF na buksan na ang kanyang parlor o salon para sa mga init na init na magpa-gupit?
Ito kasing kapatid ni Mother Ricky na si Les Reyes, may-ari ng katakot-takot na RHC o Reyes Haircutters all over the metro at mga lalawigan, nakaisip ng way para maibsan ang isa sa problema ng ating mga frontliner sa iba’t ibang ospital.
Kaya nalunsad ang Free Haircutting for Hospital Frontliner Project.
Ipinagpaalam naman niya at pina-aprubahan sa mga kinauukulan as in may permiso siya, ang pagtungo sa iba’t ibang ospital ng kanyang mga tauhan para magserbisyo at bigyan kahit kapirot na kaginhawahan ang ating frontliners.
Kompleto naman sila sa PPEs ng kanyang mga staff na naggugupit sa ating frontliners.
Alam ni Les ang kaginhawahang naidudulot ng magupitan. Na nakikita nga natin sa mga isine-share sa social media na dahil sa kainipan eh, sila na ang nagpapalitan ng gupit kung nasaan man sila.
Inaanyayahan nga ni Les ang iba pang salon owners kung na makipag-ugnayan sa kanya kung gustong sumama sa kanila para sa naturang serbisyo para sa ating frontliner.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo