Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Balitang bartolina  

INILAGAY ng IATF ang ilang rehiyon kabilang ang Metro Manila sa Modified Quarantine hanggang ika-30 ng Mayo. Kasama rin ang Laguna at Cebu City. Sa ilalim ng “Modified ECQ,” maaaring gumalaw ang publiko sa loob ng kanilang nataguriang “zone” o sa loob ng lugar nila para kumuha ng pagkain o kaya magtrabaho.

 

Pinahihintulutan ng Modified ECQ ang pagbubukas ng mga pabrika, basta ito ay papasukan lang ng 50 porsiyento ng mga manggagawa nito. Kasama rin ang transportasyon o trucking para sa “essential goods” at serbisyo. Ang mga paaralan, malls, sinehan, paaralan, simbahan at iba pang lugar na matao ay mananatiling sarado.

 

Samantala 38 lalawigan naman na tinatayang nasa  “moderate risk” ay inilagay sa General Community Quarantine o GCQ. Ito ang mga lalawigan ng Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

 

Ngunit hindi maliwanag kung ano ang siste sa mga establisimiyento sa ilalim ng Modified ECQ. Ang mga sinehan, arcade, events at sporting venues, simbahan at arena ay mananatiling saradosa enhanced

community quarantine at  pati mga kainan ba ay isinama sa Modified ECQ?

 

Samakatuwid, idinagdag lang na modified pero ganoon pa rin. Tila pinaganda lang ng IATF ang pangalan nito.  So totoo lang may malaking panganib pa rin at marapat lang na mag-ingat tayo. Pero mas nangangamba ako sa palakad ng IATF dahil tila bangka sila na walang timon at hinahampas ng malalaking alon.

 

Hindi nakatulong na ipinaubaya ng mga LGU ang desisyon sa IATF tungkol sa pamamalakad ng programa laban sa COVID-19. Ito ay dahil mas nalalaman ng mga LGU ang situwasyon sa lugar na kanilang nasasakupan.

 

Bagaman ang IATF ay inatasan na gumawa ng programa para labanan ang COVID-19, ang mga opisyales ng LGU ang ihinalal ng mga mamamayan. Sila bukod-tangi ang may kakayahan na magbigay ng tamang datos at tauhan para tumulong sa IATF.

 

Tama ba na ang kapangyarihang magdesisyon ay ibibigay lang sa isang ahensiya na walang ideya patungkol sa isang lugar, at ang meyor, imbes tumulong sa pagkalap ng datos, ay tila naghuhugas ng kamay at inaabandona ang mga tao sa lugar niya? Ito ang isang malaking palaisipan para sa inyong abang-lingkod.

 

Pero sa akin eto ang maliwanag.

 

Halos tatlong buwan na ang lockdown at .087 porsiyento pa lang ng tao ang tinetesting para sa COVID-19. Halos tatlong buwan na ang lockdown may 600 LGU pa rin ang hindi nakakokompleto ng kanilang pangakong “cash aid disbursements.”

 

***

KAMAKAILAN lang matagumpay na ibinalita ng NBI na nasakote nila ang isang suspect ng cyberlibel. Ang naturang suspect ay isang guro mula sa Zambales na umano, nag-alok ng pabuyang P50 milyones sa sinumang papatay kay Rodrigo Duterte. Wala silang ipinakitang warrant at inimbitahan lang nila ang suspect.

 

Ano ang mali rito?

 

Una ang pag-imbita ay hindi warrant so kung walang warrant puwedeng mapawalang-bisa ang isasampang kaso.

 

Pangalawa, ang anumang pag-amin na gamit ang dahas, pananakot, panlilinlang o kombinasyon nito ay hindi katanggap-tanggap sa hukuman at maaaring magresulta sa pagwalang-sala ng kaso.

 

Pero sang-ayon ako na ang cyberlibel ay puksain.

 

Mas mainam siguro kung magiging patas ang NBI, o PNP, o anumang ahensiya ng pagpupulis sa paghuli sa mga nagsasagawa ng cyberlibel. Dahil paniwala ko na ang Batas ay sumasaklaw sa lahat at pantay-pantay tayo sa batas.

 

Paano naman ang isang kolokoy na hinahanap ang address ni VP Robredo para patayin siya, o ‘yung isa pang nagbanta na pakakainin ng shabu, rereypin, totoryurin, at sasaksakin ng basag na bote ang mga ari ng mga anak ni VP Leni?

 

O kaya ‘yung isang nanghahamon ng barilan sa mga dilawan at naglabas pa ng kalawanging paltik?

 

Naniniwala ako sa karapatan ng malayang pagsalita at pagpapahayag ng saloobin ngunit maging responsable tayo. Sana, sa mga nasa katungkulan tandaan nila na ang batas ay sumasaklaw sa ating lahat, pantay-pantay, at walang kinakampihan, walang kinikiligan.

 

Dahil kung ang mga katulad ng mga nabanggit ko, mga katulad nina Mocha, at ni “birthday boy” General Sinas ay pinalulusot, samantala ang isang pangkaraniwang guro ang pahihimasin natin ng malamig na rehas aba, may malaki tayong problema.

 

***

NAGLUNSAD ang Philippine Broacasting Service ng bagong programa ang Wow China.

 

Umani ng katakot-takot na batikos ang programa mula sa netizens. Itinuring ito na isang malaking insulto sa lahat ng Filipino na nagmamahal sa Inang Bayan.

 

Ang Wow China ay isang programang pro-China at ang masaklap, ang ibinabayad dito ay galing sa ating buwis, at ipinalalabas sa estasyon ng gobyerno ng Republika. Hindi kailanman dapat pinayagan umere ito sa isang government station.

 

Ngayon pa lang sinasabi ko ang mga pasimuno nito ay mga kasapakat ng Tsina at traydor sa sariling bayan. Walang kapatawaran ang kataksilan na ito, at sila ay may kalalagyan bunsod ng kanilang tradisiyon.

 

[email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *