Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, ginawan ng painting ng tagahanga

RAMDAM sa Instagram Story ni Kim Domingo ang kanyang kagalakan nang makita ang painting niya na gawa ng isang tagahanga.

Sa Instagram post ng artist na si @gii_bii_arts, ibinahagi nito kung gaano kabait ang Bubble Gang star sa tulad niyang fan.

“Sa mga Artista na na-meet ko na at hindi ko inakalang naiiba sa mga artista na nakilala ko. Sobrang Bait nya nung una akala ko Mataray, Masungit, o Mataas sya pero nagkamali ako dahil grabe kung ituring nya yung mga Fans nya ay para nang isang Pamilya kaya naman nung araw na nameet ko sya ng Personal ay masasabi Kong is a sya sa dapat na Idolohin at nararapat na makatanggap ng Loyalties sa kanyang mga Tagahanga at isa na ako doon.”

Kaya bilang sukli, gumawa siya ng painting ni Kim. Dagdag niya, “Kaya naman sana ay magustuhan mo itong ginawa kong Painting para sayo Ate Kim.”

Pinusuan naman ito ni Kim at ini-repost sa kanyang Instagram Story. Sabi nito sa post, “Aw! Sweet. Salamat sa pagmamahal, nakakatuwa. Ang galing mo.”

Samantala, nag-enjoy din ang netizens sa kulitan kasama sina Kim, Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Lovely Abella, Faye Lorenzo, Arra San Agustin, at Analyn Barro sa YouLol live chat session na  Ladies Room na napanood sa comedy channel ng GMA na YouLOL. 

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …