Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerald sumabog, ‘di nakapagpigil

SA panahong nasisikil ang bawat galaw sa ikot ng mundo, hindi maiwasang makita ang mga hinaing at hugot ng marami.

Sa pagsasara ng network na ABS-CBN, ang isang hindi nakapagpigil na sagutin ang mga pasaring sa kanya ay ang aktor na si Jerald Napoles.

“Ano lilipat lipat ka pa kasi, buti nga sayo! …

“Ako ay walang eksklusibong kontrata sa network, kaya’t maari akong mag trabaho sa kahit anong network hangga’t nais nila akong kunin bilang aktor. 

“Pero bakit kayo galit? Bakit “buti nga sayo”? BAKIT MAY SUMBAT?… 

“Ako ay salungat  sa SISTEMA pero ni minsan di kita hinusgahan o nangunang bumatikos sa personal na paniniwala mo. Nang matapos ang Sunday Pinasaya at naghahanap kame ng susunod na proyekto, tumawag sa akin si Coco Martin, tinanong kung gusto ko raw ba magtrabaho sa seryeng pinagbibidahan niya, uulitin ko binigyan ako ng pagkakataon ni @mr.cocomartin upang makapagtrabaho bilang aktor dahil naniniwala siya sa kakayahan ko…

“Aba syempre oo agad ako.. Kasi aktor ako! At ang trabaho ko ay umarte!  Walang masama sa ginagawa ko.. Maski ang mga dati kong  boss ko sa GMA naiintindihan ang sitwasyon at sinabi pa sa akin na maluwag nila akong tatanggapin muli kung sakali man na matapos na ang proyekto ko at may naka ukol uli sa akin mula sa  kanilang station. 

“Hindi po kame magkakaaway sa industriya.. Iisa po kame.. Magkatunggali man sa ratings.. Gaya rin po ng basketball na may lumilipat na player. 

“At ako po ay lumalaban bilang kapamilya dahil  sa naniniwala ako na may tama at legal na proseso at pagkakataon na nakalaan para sa  mga bagay, at tama ka, Ang batas ay batas. At nakasulat sa batas, na walang nilabag ang @abscbn. 

“Ang provisional  authority ay binibigay sa panahon na walang pandemic, bakit ipinagdamot ngayon kung kailan  kaligayahan sa panunuod ang tanging kinakapitan ng tao habang naka lockdown…

“Kung nasa GMA man po ako ay ganito rin ang stand ko… Gaya ng mga sikat na kapuso artists na iniidolo nyo at nakiisa sa damdamin nang mga mahigit sa 11,000 na  nagtatrabaho sa abscbn, at lumalaban din para sa kalayaan ng pamamahayag. 

“Ngayon ay di tayo magkaintindihan sa paniniwala. At di kita pipilitin. Pero hindi kita  babastusin. Dahil hindi dapat.  At hindi worth it. Maari kang  sumalungat. I-unfollow mo na lang ako. Para pag natapos ang lahat nang ito.. Pag nagkita tayo.. Wala na ang galit. At sa halip, ay sasabihin ko sa iyo ” BUTI NGA SAYO,.. AT LIGTAS KA.”

#LabanKapamilya

#DefendPressFreedom

 

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …