Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, tumatag ang pananampalataya dahil kay Coney  

MALAKI ang pasasalamat ni Prima Donnas star Aiko Melendez sa veteran actress na si Coney Reyes sa ginawa nitong pagtulong sa pagpapatatag ng kanyang pananampalataya.

Sa kanyang Instagram post, binalikan ng mahusay na Kapuso aktres ang kanyang Christian baptism na pinakamasayang punto ng kanyang buhay.

“This is definitely one of my happiest and peaceful day ever, when I surrendered my Life to Jesus and got water baptism with one of my pastors @laryetuy,” ani ni Aiko.

Pagkukwento pa nito, malaki ang papel na ginampanan ng Love of my Life actress sa kanyang buhay lalo na noong panahon na lugmok ito at sabay silang nagba-Bible study. “It is no secret how I got closer to the Lord, tita @coneyreyes played a big role in my life, when i was going through some rough times in life.”

 Sa huli, nag-iwan ng payo ang Kapuso star para sa lahat ng mga taong dumadaan sa matinding pagsubok ngayon. “To all those who are going through difficulties in life, battling anxiety, please hold to the Promises Lord Jesus gave us. He said in his words In Jeremiah 29:11,” saad ni Aiko.

Samantala, habang tigil muna sa taping ang mga serye, muling napapanood ang Onanay sa timeslot ng Prima Donnas habang My Husband’s Lover naman ang pansamantalang pumalit sa Love of my Life sa GMA Telebabad.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …