Friday , May 16 2025

1st vlog nina Rayver at Janine, kinakiligan ng fans

NAGPAULAN ng kilig ang Kapuso couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz sa kanilang first ever YouTube vlog na nag-food trip.

Sa first appearance ni Rayver sa YT channel ni Janine, game at masayang sinagot ng dalawa ang mga tanong ng netizens tungkol sa kanilang relationship gaya ng kung saan sila unang nag-meet, saan ang kanilang first date, o kung sino ang unang nagsabi ng ‘I love you’.

Sa bawat maling sagot ay may parusang pitik sa noo. Patok na patok naman sa netizens ang nakakikilig na video ng dalawa na pumalo na sa 130k views sa loob lamang ng 20 oras mula nang i-upload ito.

“Ang cute niyong tingnan. I was smiling the entire vlog as in. Hope to see the dare vlog the soonest. And I hope you’ll guest him often,” anang netizen na si Juliet Valdez.

Bumuhos naman ang video requests sa dalawa mula sa Can’t Say No challenge, Girlfriend Does My Makeup challenge, pati na rin TikTok Dance challenge.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Alex Gonzaga Mikee Morada

Alex sobra-sobra ang saya, Mikee vice mayor na ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “MARAMING, maraming salamat sa mga kababayan namin sa Lipa sa tiwalang …

Willie Revillame

Willie olats na sa politika, wala pang show na babalikan

MA at PAni Rommel Placente KUNG may mga artistang pinalad manalo sa katatapos na midterm …

Win Abel

Dating aktor/model Win Abel nakalusot bilang konsehal sa Caloocan

NAIPANALO muli sa ikalawang pagkakataon ng dating actor/model na si Win Abel ang pagiging councilor …

JD Joaquin Domagoso

Joaquin Domagoso nanguna sa Distrito 1 bilang konsehal ng Manila

MATABILni John Fontanilla PANALONG-PANALO sa unang pagsabak sa politika ni Joaquin Domagoso, anak ng nagbabalik …

Arron Villaflor

Arron Villaflor waging Board Member sa Tarlac

MATABILni John Fontanilla PANALO ang aktor na si Arron Villaflor sa unang sabak sa politika …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *