BUKOD sa donation campaigns at mga effort para matulungan ang mga apektado ng Covid-19, ibinahagi ng Centerstage judge na si Pops Fernandez kung ano sa palagay niya ang role ng mga entertainer para sa fans nila at sa publiko.
Aniya, “We can try, we really can’t erase their grief totally dahil marami po talagang affected. But we try. Ako kasi, the only connection that I have is through social media. So ako, most of my posts are positive.I want to instill a lot of positivity sa mga sumusubaybay sa ‘kin at sa mga sumusunod sa ‘kin.”
Dagdag ng Concert Queen, para hindi sila mawalan ng pag-asa na malalampasan din ang pagsubok na ito, “Para hindi sila mawalan ng hope and just be reminded that this is something that will pass and after this, we will be okay later on. I also constantly remind my followers to keep praying, to not lose their faith.”
Nagsimula rin ng series ng Facebook live interviews si Pops na nag-guest ang ilang mga kapwa niya artista at singers. “I do Facebook live interviews. I invite my friends from the industry to share also their experiences while staying home under quarantine. Para malaman ng tao na we are no different. We are actually going through what everyone else is going through, not just here in the Philippines but all over the world. Everyone is equal. Whether you’re here or in the other part of the world, we are going through the same thing,” saad niya.
RATED R
ni Rommel Gonzales