Friday , November 15 2024

Cayetano naghugas kamay lang sa ABS CBN shutdown

LUMANTAD at nagsalita na rin sa wakas  si House Speaker Alan Peter Cayetano para harapin ang galit ng fans ni Cardo Dalisay este, ang Filipino dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Pero totoo kaya na asar na ang ilang senador at ilan sa kanyang mga kasamahan sa House of Representatives (HOR)?

Paano kasi imbes sagutin ni Cayetano nang deretso ang isyu at akuin ang pagkakamali, aba’y nag-ala-Poncio Pilato ang Speaker. Naghugas-kamay.

Inakala raw ni Cayetano na mag-iisyu ng provisional authority ang National Telecommunications Commission (NTC) upang makapagpatuloy ng operasyon ang network kahit hindi pa naigagawad ng kanyang pinamumunuang HOR ang prankisa.

Taliwas ito sa opinyon ni ex-Supreme Court Justice Reynato Puno. “May hatol na riyan (tungkol sa legislative franchise) noon pa.  Alam naman ng mga congressman ‘yan, lalo na si Speaker Cayetano. There is need for a franchise before the NTC can grant a provisional permit. Without a franchise, the station concerned has to cease operations,” anang dating punong mahistrado.

Ilang legal experts din ang nagsasabi na sasalo lang ng sangkaterbang demanda ang NTC kung susundin ng komisyon ang gustong mangyari ng House speaker.

Sabi nila, hindi maaaring panghawakan ng NTC ang isang sulat na pirmado ni Cayetano at ang isang resolusyon ng Senado pagdating sa provisional authority.

Kung noo’y palaging magkakampi sina Cayetano at Solicitor General Jose Calida sa iba’t ibang isyu, ngayo’y nagbabanta ang isang matinding bakbakan sa pagitan ng dalawa matapos sabihan ng una ang huli na epalero sa trabaho ng Kongreso. Si Calida ang nagpayo sa NTC sa mainit na isyu ng provisional authority.

Kung ang tingin ng marami kay Calida ay isang kontrabida, sa pagkakataong ito’y siya naman ang bida. Tungkulin naman talaga ng isang solicitor general na magbigay ng legal opinion sa alinmang government agency tulad ng NTC.

Nagtataka rin tayo kung pasok ba talaga si Cayetano sa inner circle o sa “Digong’s Kitchen” ni President Rodrigo Duterte. Para kasing hindi niya nage-gets ang mga signal o ang kagustuhan ng pangulo pagdating sa mga polisiya at hakbangin ng Palasyo. Kinakausap pa ba siya ni Duterte, gayong malaki ang papel niya sa legislative agenda ng administrasyon?

Nabubuo tuloy ang hinala na malapit nang matsugi si Cayetano bilang House speaker, lalo’t wala na ring ka-amor-amor sa kanya ang magkakapatid na Duterte.

Saka kung ating matatandaan, matagal nang tinanggap ni Duterte ang pagso-sorry ng ABS-CBN. Kung ang presidente at ang Diyos ay nagpapatawad, bakit hindi ito magawa ni Cayetano?

Ang ABS-CBN shutdown kaya ang huling pako sa kabaong ni Cayetano?

Siya ang gumagawa ng kanyang kabaong at siya na rin ang naghuhukay ng kanyang libingan.

 

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *