SA sandaling pagkawala sa ere ng kanyang network, nakaisip naman agad ang may-ari ng Ka Tunying’s na si Anthony Taberna na ipagpatuloy ang paghahatid ng saya sa mga tao nang akuin ang pagiging delivery boy ng kanilang mga mabentang tinapay.
Sabi ng host, “Bakit ako magmumukmok? Bakit ako hihilata sa bahay? Puwede namang magpa-order at magdeliver ng tinapay! Tinapay kayo dyan!!! With Poging delivery Boy 🥰 #goodvibes #happyweekend #iloveyousabado #mrbreadman #katunyingsbread #katunyings #wedeliver #rightatyourdoorstep #newnormal #abnormal #covidkalang @katunyingsph @rosseltaberna.”
Ang ayaw talagang humilata lang at manahimik ay nagsasabi, pa ng “Bakit ako magmumukmok? Bakit ako hihilata? Bakit ako mananahimik? Bakit ako magsasawalang-kibo? Habang nakakandado ang ABSCBN, Dito Po Muna Tayo! Mamayang 5:30PM, nood kayo sa FB Live sa FB Page ni Anthony Taberna. Wag kayo pupunta sa fake account ha? Hanapin ninyo yung Anthony Taberna na may more than 700 thousand followers! Kitakitz #UnoPorUno #PuntoPorPunto #saBahayMuna #Ditopomunatayo #dospordos #habangwalangABSCBN @rosseltaberna.”
Tuloy pa rin ang buhay ng ginagabayan din ng Iglesia ni Cristo ng mga doktrinang isinasabuhay niya at ng kanyang pamilya.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo