Saturday , December 28 2024

Task Force T3, suportado ng Ayala

BUO ang suporta ng Ayala Corporation sa Task Force T3 (Test, Trace, Treat), ang ugnayan ng gobyerno at pribadong sektor upang pabilisin at pataasin ang kapasidad ng ating healthcare system na iwaksi ang COVID-19.

Itinayo ng Ayala ang lahat ng testing booths sa apat na Mega Swabbing Centers na bubuksan ngayong linggo. Kasama rito ang Palacio de Maynila tent sa Roxas Boulevard; Mall of Asia Arena sa Pasay City; Enderun Colleges sa Taguig City; at Philippine Arena sa Bulacan.

Layunin ng pagbubukas ng Mega Swabbing Centers na ma-swab ang 55,000 indibiduwal sa Kalakhang Maynila sa susunod na tatlong linggo. Samantala, 125,000 katao ang na-swab sa buong bansa sa nakaraang tatlong buwan.

Priority ng malaking swabbing operation na ito ang 25,000 repatriated overseas Filipino workers (OFWs) na kasalukuyang naka-quarantine sa hotels at iba pang pasilidad.

Target din nitong ma-swab ang halos 30,000 COVID-19 suspects maging ang health workers na madalas ay exposed sa virus.

“We are fully committed to helping the government in its drive to beat COVID-19. We completely agree with its whole of nation approach, where government, the private sector and our citizenry unite to overcome this extraordinary crisis,” saad ni Ayala Corporation Chairman at CEO Jaime Augusto Zobel de Ayala.

“In particular, we support the IATF’s focus on rapidly ramping up testing and the country’s healthcare capacity, as we believe these are key to saving both lives and livelihoods during this pandemic.”

Patuloy ang suporta ng Ayala Group of Companies sa iba’t ibang proyekto ng gobyerno sa iba pang lugar.

Noong Abril, ilan sa Ayala companies (Ayala Land, Globe, Manila Water, IMI and AC Energy) ang nagkaisa upang tulungan ang ICCP, Manila Exhibition Center, ang Bases Conversion Development Authority (BCDA), at gobyerno sa pag-convert ng World Trade Center sa isang 500-bed quarantine facility na may ligtas, malinis, at kontroladong isolation cubicles.

“We are grateful to the Ayala group for partnering with us in this time of major crisis. We call on everyone to support TASK FORCE T3, because rapid and massive testing, tracing and treating are the keys in defeating COVID-19. With our Bayanihan spirit, where the government, the private sector and our people are united, we are confident that we can Heal as One,“ ani Vince Dizon, ang Deputy chief implementer ng COVID-19 response ng gobyerno, at kasalukuyan ding CEO ng BCDA.

Katulong rin siya ni Chief Implementer Carlito Galvez, Jr., sa pag-implement ng guidelines at protocols na inilabas ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases).

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *