Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, muntik magbenta ng ari-arian para maipagpatuloy ang pagtulong

NAGDIWANG ng kanyang ikalimang taon (sa Wowowin) ang host na si Willie Revillame.

Na kahit natigil pansamantala dahil sa CoVid-19 ang programa, nakaisip sila nina Joey Abacan (ng GMA-7) kung paano pa ito maipagpapatuloy.

Sa naikuwento ni Willie, dahil hindi na niya kayang pangatawanan mula sa sarili niyang bulsa ang pamimigay ng P14-M bawat buwan, umabot na siya sa puntong gusto ng mag-pack up at manatili na lang sa bahay niya sa Tagaytay.

Nagre-rate man ang programa, kung wala namang perang pumapasok eh, mauubusan din siya.

“Sinimulan kong ibenta ang mga property ko para may maibigay pa rin ako sa mga tao…”

Sa kabila naman ng kanyang mga naging pagkukulang, ang ninanais pa rin niya sa ngayon eh, makapagbalik ng blessings sa tao. Dahil nanggaling din siya sa wala.

Kaya, napigilan ang pag-eempake niya at sa pag-uusap nila ni Abacan, nabuo nga ang napapanood ngayon araw-araw na Tutok To Win sa GMA-7.

Katulong ang mga sponsor na gaya ng Shoppee, Frontrow, at LiverAid, may nananalo ng tig-P10, P50K, at P100K na nagmumula sa apat na sulok ng Pilipinas.

Dahil sa magandang reception nito sa mga manonood, nag-extend pa ng pamumudmod ng premyo ang Shoppee hanggang May 15, 2020.

Naglalagay din ng segments si Willie na may premyo ang sumasali gaya ng Aliw Videos na P5K ang katapat.

At may entertainment na hatid din ang show sa mga guest na featured kada araw. Next week sasalang sina Dingdong Avanzado, Sheryn Regis, Mark Bautista, Ronnie Liang, at Jessa Zaragoza.

Natapos ng sumalang nina Liezl Garcia, Bugoy Drilon, at Michael Pangilinan.  Nagbahagi rin ng P60K si Michael para sa mga iba pang matatawagan ni Willie para manalo.

Para ngang second skin na rin kay willie ang pagtulong.

Kasalukuyan silang naka-quarantine, lockdown ng mga loyal staff niya gaya ni Ana Feliciano sa 42nd floor ng kanyang Wil Tower sa Quezon City, practicing social distancing at mga dapat na obserbahan sa panahon ng ECQ.

Kaya, sali na. Tutok na! This is virtual reality!

 

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …