Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vico Sotto, nairita sa ex-PBA player na nagmura sa kanyang relief ops team leader

Nagalit si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kawalan ng modo ng isang ex-PBA player sa relief operation officers na nagbigay ng ayuda sa kanilang siyudad.

Residente raw ng Green Park subdivision sa Pasig City ang sinasabi niyang ex-PBA player.

Minaliit raw ng ex-PBA player ang natanggap nitong ayuda.

Kakampi pa naman daw ng kanyang bayaw na si Marc Pingris (asawa ng kanyang kapatid sa amang si Danica Sotto) ang nagmura sa kanyang team leader. Kinuwestiyon raw nito ang ayudang kanilang ipinamimigay.

“E kung naliliitan siya ro’n sa ipinamigay ng city, ibig sabihin hindi niya kailangan ‘yun.

Alam naman daw niya kung magkano ang suweldo ng dating basketbolista. Hindi raw iyon mahirap.

“Iilan lang naman ang dating PBA player sa Green Park, alam mo na kung sino sinasabi ko.”

Alam raw niyang may pera naman ang dating basketeer. Maganda raw ang bahay nito at maraming sasakyan.

Hindi man lang daw isinaalang-alang ang pinagdaraanang hirap ng frontliners para lang magbigay ng serbisyo sa kanilang lungsod.

Sana man lang daw ay “ma-appreciate” ng mga mamamayan na ang relief op officers ay nabibilad sa gitna ng araw habang namimigay ng ayuda.

“‘Yung mga programa,” he pointed out, “hindi naman sila nag-design no’n.

“Kung may reklamo kayo, puwede naman sabihin sa maayos na paraan, e. ‘Di n’yo kailangan magalit sa kanila.”

Ipinaliwanag ni Mayor Vico na gusto naman daw ng local government ng Pasig na mag-abot ng tulong sa lahat ng Pasigueño, mahirap man o mayaman.

“‘Yung ayuda na ibinibigay natin,” he went on, “uunahin pa ba natin ‘yung magandang bahay at maganda ang sasakyan?

“Siguro kailangang unahin natin ‘yung mga kung hindi makatanggap ng ayuda ay baka mamatay sa gutom.”

Sinabi ni Mayor Vico na “lahat” raw ng households ng Pasig ay qualified mabigyan ng cash aid galing sa budget ng local government. Pero kung nakaluluwag naman daw sa buhay, sana raw ay i-waive na lang ang kanilang cash aid.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …