Thursday , December 26 2024

Noli de Castro, Karen Davila, Jeff Canoy, ipinakita ang mga maemosyong eksena sa newsroom  

THIS Tuesday evening, May 5, punong-puno ng emosyong namaalam ang pamunuan ng ABS-CBN for the simple reason that is their last day of airing.

Ang TV Patrol anchor na si Noli de Castro ang nag-share ng huling mensahe for the televiewers.

“Karamay sa panahon ng mga kalamidad at paghihirap,” he said with full sincerity, “kasabay namin kayo sa pagluha sa mga teleserye.

“Kasama namin kayong ipinagbunyi ang tagumpay ng ating mga bayani, mga ordinaryong tao na nakagawa ng imposible.

“Sabay rin nating pinanood na mabuo ang kasaysayan sa pamamagitan ng TV patrol at iba pang news and current affairs program.”

Sabi pa ni Noli, isa raw malaking karangalan na maging tagapaglahad ng mga kuwento ng mga tao at maging tagabantay sa mga nasa kapangyarihan.

Karangalan raw nilang maglingkod sa ating mga Kabayan.

Siniguro rin ni Noli, hindi padadaig ang Kapamilya network sa panggigipit sa kanilang kompanya sa ngayon.

Itutuloy raw nila ang laban para sa malayang pamamahayag sa ibang media platforms.

Hindi man daw na-renew ang kanilang prankisa at ipinatigil ang kanilang broadcast, nangangako raw silang hindi mananahimik sa atakeng ito sa ating demokrasya at sa malayang pamamahayag.

Sa harap raw ng malaking dagok at hamon sa kanilang kompanya at sa kanilang mga hanapbuhay, hinding-hindi raw nila tatalikuran ang kanilang mga kababayan.

“Mga Kapamilya kami,” he stressed. “Tayo ang ABS-CBN.

“In the service of the Filipino saan man sila naroroon sa buong mundo.”

Nag-tweet naman ang ABS-CBN reporter na si Jeff Canoy ng mga eksena sa newsroom sa likod ng camera.

Kanyang nakunan si ABS-CBN President Carlo Katigbak nang ipalabas ang Philippine National Anthem bago nag-off air ang estasyon.

Wearing a face mask, he remained inside the newsroom after facing the cameras of TV Patrol for his official statement regarding the closure of the network.

Nang matapos ang National Anthem, ipinakita ni Canoy sa kanyang video na nagpalakpakan ang kanyang mga katrabaho.

“The newsroom. Seconds after ABS-CBN went off air. Can’t imagine being anywhere else but with family,” he tweeted.

Ipinakita niya ang tahimik na pagluha sa isang sulok ng isang katrabaho.

It is sad na sa tindi ng pagsubok na kanilang dinaraanan, hindi nila magawang yakapin ang isa’t isa dahil nga sa exisitng social distancing protocol.

Nakita rin ni Canoy ang co-worker na si Jorge Cariño na nagta-type sa kanyang cellphone ng mga kaganapan sa kanilang newsroom.

Ayon kay Cariño, nakita niya si ABS-CBN News Chief Ging Reyes na pilit nagpapakatatag in the midst of the strong emotion of crying at the newsroom.

“‘Wag kayong umiyak,” she supposedly told her co-employees, “baka mahawa ko. We prepared for this. Papasok tayo bukas.”

Karen Davila, who worked as a Kapamilya for the past 20 years, was vocal in her admission that she was heartbroken.

She retweeted Jeff Canoy live updates from the newsroom.

Davila was emotional in the sense that they could not even hug each other because of the ongoing social distancing protocol.

Prior to the airing of TV Patrol, Karen tweeted that ABS-CBN would follow the cease-and-desist order of the National Telecommunications Commission (NTC).

Matatandaang unang nag-off the air ang ABS CBN noong September 21, 1972 right after the declaration of Martial Law.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *