Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Moi Bien ni Piolo, handa na sa itatayong negosyo

TAWA naman ako nang tawa sa nadaanan kong vlog ng sumikat na ‘yaya’ cum house engineer ni Papa P (Piolo Pascual), si Moi Bien.

Natuklasan ni Moi na may talent din siya sa pag-arte kaya matapos ang maraming pagkakataong nadadalas na ang guesting niya at pagsalang sa iba’t ibang aktibidades ng showbiz, pinakawalan na siya ni Papa P para lalo pang humusay ang career.

Pero isang bagay na masasabing mahusay si Moi eh, sa kusina. Sa pagluluto.

Ito rin ang nakita ng bale nagma-manage sa kanya ngayon na Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo.

May “Luto ni Moi” sardines si Moi na naipatikim sa amin kamakailan. At gusto nga niyang magtuloy-tuloy ito bilang negosyo.

At kung matapos na nga itong pandemic that we are all in, nag-iisip na ito na magbukas kahit maliit na puwesto para sa kanyang mga nasisimulang produkto.

Nakaaaliw lang si Moi sa kanyang vlog.

Doon sa napanood ko, naghanda siya ng pancit na may sardinas.

May mukha ni Kim Chiu ‘yung pakete ng pancit na iniluto niya.

Na ibinigay niya sa mga guard kung nasaan siya. May tuwang-tuwa sa sarap ng niluto niya.

Kaya naman pagbalik niya ng bahay, bitin ang kanyang anak at halos wala ng natira para sa kanya para kainin.

May 5.4K views na ang YouTube vlog ni Moi.

Try niyo panoorin para maaliw sa panahon at sitwasyong ito.

Sana nga kundi man tindahan eh maliit na kainan ang maipundar ni Moi para sa bago niyang sideline bukod sa pag-arte.

At least, hindi nag-iinarte, ha!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …