NAPAKALAKI ng pasasalamat ni Angel Aquino nang napabilang sa FPJ’s Ang Probinsyano, sa pinatiklop na network ng mga Lopez, ang ABS-CBN.
Ang mga programa na patuloy niyang sinampahan sa estasyon ang bumuhay kay Angel at sa pagpapalaki sa kanyang mga anak, yaman, at siya ay single parent.
Ibinahagi nito sa kanyang social media ang pagsasaad ng kanyang saloobin.
“5May20. Starting Tonight, our Kapamilya TV station shuts down – for a few hours? A day? A week? For how long, we don’t know.
“They killed our beacon of love, hope, truth and freedom just like that. For me they just killed my lifeline my work family and friends. My source of joy. My means of expression. My craft.
“Hindi na ako uupo at mananahimik. I grieve the (temporary) death of my home station, but it won’t keep me joining the fight. Sabihin nyo Lang kung Saan.” #kapamilya #istandwithabscbn
Dagdag pa ni Angel sa isang panayam, “How can it be a good thing to tale jobs of ABS-CBN employees? I have to speak against the ABS-CBN Shutdown. Para tayong in shackles lahat… There is a way. People speaks up. This is not a good time for a thing like this.
“People are coming together…to express anger, their sentiments and show solidarity. One way to challenge us para maipakita na we are one in this fight. There is emotional turmoil. Let’s not stop here but go on. Take this fight wherever it has to go!”
Hindi namin makalimutan ang F show ni Angel noon with Daphne Oseña and Cher Calvin. Bukod sa pag-arte, pagrampa bilang modelo, isa ring mahusay at pinagpipitaganang host si Angel sa larangang niyakap niya.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo