Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai delas Alas, mas bet maging panadera kaysa artista

BUNSOD ng ipinatupad na enhanced community quarantine, maraming mga luma at bagong hobbies ngayon ang pinagkakaabalahan ng mga artista sa kani-kanilang bahay.

Para kay Comedy Queen Ai Ai delas Alas, pagiging panadera ang  bagong career habang naka-quarantine. Hindi lang hobby para sa Kapuso comedienne ang pagbe-bake dahil sa pagbuhay niya sa kanyang natatagong culinary skills ay binuksan din nito ang kanyang pastry business na Martina’s Bread and Pastries.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Ai Ai na magkaiba ang fulfillment na nakukuha nito sa pag-aartista at sa pagbe-bake. “Parehong masaya, iba ang fulfillment ‘pag nakikita mo ang bread mo na maganda, ‘pag artista iba rin ang fulfillment ‘pag maganda ang performance mo or pinapalakpakan ka ng tao at natutuwa sila sa ‘yo. ‘Yung earnings malayo nga lang hehe. Pero ang mahalaga parehong masaya,” ani Ai Ai.

Nitong Sabado (May 2) naman ay muling nakasama at nakipagkulitan si Ai Ai sa kanyang kapwa The Clash judges na sina Lani Misalucha at Christian BautistaClash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, at Clashmates na sina Ken Chan at Rita Daniela sa pamamagitan ng isang video conference. Naghatid sila ng iba’t ibang performance, nagkuwentuhan, at nag-anunsiyo rin tungkol sa ginagawang online auditions para sa season 3 ng original musical competition ng Kapuso Network na The Clash.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …