Sunday , November 24 2024

Yul Servo, nagpasalamat sa suporta ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry  

NANAWAGAN ang masipag na mambabatas ng 3rd District ng Maynila na si Yul Servo na paigtingin pa ang pag-iingat ng lahat para masugpo na ang COVID 19. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng FB live.

As usual, si Yul ay tahimik na tumutulong sa kanyang mga nasasakupan upang magbigay ng ayudang kailangang-kailangan sa panahon ng krisis.

Sinabi niyang mas mabuting huwag lumabas kung hindi naman importante, at kung lalabas ay dapat na laging magsuot ng face mask or face shield kung mayroon.

Ayon sa award-winning actor, may batas sa Maynila na ang walang face mask ay puwedeng hulihin at may multa ito.

Nagpasalamat din siya sa mga kasamahan sa Kongreso, kina Mayor Isko Moreno at VM Honey Lacuna sa kasipagan nila sa pagtugon sa mga pangangailangan ng Maynila. Pati sa mga chairman ng kanilang barangay, konsehal na laging nag-iikot, sa mga nag-donate ng bigas, cash, at iba pang makakatulong sa kanilang mga kadistrito na ang target tulungan ay umaabot sa 86,000 families.

Kabilang sa pinasalamatan ni Cong. Yul ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry.

Saad ng actor/public servant, “Sana ay nasarapan ang ating mga barangay frontliner sa isdang maya-mayang may kasamang limang kilong bigas na galing sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry.

“Nagpapasalamat tayo sa Federation of Filipino Chinese Chamber kasi kahapon nga dahil nga tumataas na ‘yung ating (kaso ng COVID-19), tumataas, hindi naman bumababa… nararapat na magkaroon din sila ng PPE, ‘yung mga frontliners natin sa mga opisina ng konsehal, opisina ng congressman. Ayun, kaya maraming salamat sa Federation of Filipino Chinese Chamber dahil ang bawat opisina namin ay magkakaron ng sampung PPE, sampung goggles, at saka beinteng gloves, tig-200 mask, at isang galong alcohol.

 

“Kaya maraming salamat sa Federation of Filipino Chinese Chambers at siyempre magagamit nila ‘yan ‘pag magde-deliver sila ng tulong o ayuda sa barangay frontliners natin o kung ano man ang paged-deliver-an nila. Para safe po, kasi ‘pag nagkasakit po mga staff natin, ang hirap, mai-stop lahat ng tulong, di ba? Kaya extra careful din ang mga staff. E tayo, kung ano talaga ‘yung magagawa natin para protektahan ang mga staff natin, ginagawa natin,” sambit pa ni Yul.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *